Margarita, Episode 27

by

Sinabi ni Robbie sa mga kaibigan niya na makakasama na siya sa mga ito sa gimikan nila. Mag-mall at manood na lang daw sila ng sine, instead of going to the club dahil nakukonsensiya siya sa pagsisinungaling sa ate niya. Pumayag naman ang mga kaibigan niya.

Nalaman ni Rodrigo na member ng shooting gallery na piangtatrabahuhan niyan si Ramon. Dumating ang lalakeng kasabwat niya sa mga illegal activities niya.

Nag-aalala na si Margarita dahil matagal ng hindi nagpapakita si Rodrigo sa kanya.

Isinama ni RObert si Jessica sa opisina nito. Sinita ni Jessica ang mga uniform ng staff niya (nakaminiskirt sila). Sinabi ni Jessica sa kanya na masama siyang magalit, nakakapatay siya. Kapag niloko siya ito, gagantihan niya ito.

Ipinakilala ni Robbie ang kaklase niya sa ate niya. Nakilala ng kaibigan niya si Margarita. Paglabas ng bahay ni Margarita, nakita niya si Rodrigo. Kinausap siya ni Margarita at tinanong niya kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Hindi sinabi ni Rodrigo dahil ayaw daw niton magsinungaling sa kanya. Ang dapat lang daw niyang malaman ay mahal siya nito. Iniwan niya si Margarita. Naroroon din pala si Leslie at narinig ang sinabi ni Rodrigo.

Walang kibo ang kaklase ni Robbie. Tinanong niya kung ano ang trabaho ng Ate Margarita ni Robbie. Sinabi nito na si Margarita ay si Greta. Sinuntok ni Robbie ang kaibigan, nag-away sila. Inawat sila ni Gabby.

Nag-re-rehearse si Margarita. Pero hidi siya mapalagay.

Kinuha ni Rodrigo ang file ni Ramon sa shooting range at may kinopya siya mula doon. Dumating si Ramon at nagtago siya. Narinig niyang sinabi niya mag delivery ng mga luxury cars. Magagaling daw ba ang mga bagong tao nito, tanong ni Ramon sa kausap. Sinabi niyang hindi niya ipapatira si Scarface kung wala siyang nakitang mga kapalit.

May natabig si Rodrigo mula sa pinagtataguan niya. Hinanap siya ng grupo ni Ramon pero hindi siya nakita.

Inalam ni Ramon sa may-ari kung sinu-sino ang mga tao doon noong naroroon sila. Pinaalis niya ang may-ari at ipinakita niya sa kasabwat niya ang file ni Rodrigo. Gusto ng ipatira ng kasama ni Ramon si Rodrigo. Huwag raw itong mag-alala at hindi na nila magiging problema si Rodrigo.

Hindi makatulog si Robbie at naiisip niya ang sinabi ng kaibigan niya sa kanya. Pumunta siya sa club at nakita niya si Margarita habang sumasayaw. Umiiyak si Robbie na pinanood ang kapatid.

Tuwang-tuwa ang boss nina Margarita at ang mga kasama nitong dancers dahil maganda daw ang ginawa nilang number. Sinabi niya kay Didith na kinakabahan siya, hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang umuwi muna para tignan ang mga kapatid.

Umiiyak pa rin si Robbie.

Kinaumagahan, habang nag-aalmusal sina Gabby at Robbie, tinanggihan ni Robbie ang baong pera na ibinibigay ni Margarita. Pinagmdali niya si Gabby na umalis.

Tinanong ni Gabby kung bakit ganun siya kay Margarita.

Sinabi ni Margarita kay Didith na parang galit si Robbie sa kanya. Baka daw problemang pang-binata lang daw. Huwag na raw niyang intindihin.

Nag-volunteer si Ramon na maging lead ng case ng isang smuggler ng mga electronics, pero ibinigay ang case kay Bernard.

May kausap si Ramon sa telepono. Sinabi niyang may ipatitira ulit ito sa kanya, anak ng ipinapatay niya sa ospital noon…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: