Ysabella, Episode 51

by

Binayaran na ni Albert ang mga kunwari ay babastos kay Ysay at para maipag-tanggol niya ito.

Pag-alis nila, dumating si Ysay hatak hatak si Trining para ipakita si Rizal.

Pinuntahan ni Mito si Venice sa pool side para sabihing payag na ito sa gusto niyang mangyari. Niyaya siyang mag-dive ni Venice, sabay daw sila, walang mandadaya. Nag-dive si Mito, naiwan ang tawa ng tawang si Venice sa poolside. Madaya daw siya sabi ni Mito, sabay splash ng tubig kay Venice na tumatawa pa rin.

Nag-rerecord ng kanta si Alex (Akala ko ba magiging band member lang siya, bakit bigla ata siyang naging recording artist?).

Habang kumakanta siya, pinakita si Lima na pinagmamasdan si Jordan sa opisina habang naaalala nito noong nag-break sila.

May ipinabigay na note si Jordan kay Lima. It said “Matutunaw na ko sa kakatingin mo.” Awww. Dali-daling kinompose ni Lima ang sarili at itinuloy ang meeting. Habang nakatingin naman si Jordan.

Tinanong ni Trining kung suhol ba si Rizal para kay Ysay para sa pagtanggap ni “Andrew” sa tulong ni Ysay. Sinubukan naman daw tumanggi ni “Andrew” pero…”Pero matigas ang ulo ni Ysay,” salo ni Trining. Alam naman daw niya iyon, kaya lang sana hindi lang mapunta sa wala ang paghihirap ni Ysay. Dumating si Ysay, dito nalaman ni Albert na sasama si Trining sa joyride nila ni Ysay kay Rizal.

Habang nakasakay, kumakanta ng buong lakas sina Trining at Ysay. Nakikanta na rin si Albert. Nakakita ng bingo-han si Trining at nagpababa na doon (nasaan ang mga nagbibingo?).

Gising pa si Victoria noong umuwi si Lima. Umiiyak si Lima, at napansin ito ni Victoria. Tinanong niya kung anong problema, “Nothing that I can handle,” naman ni Lima. Sinabi ni Victoria na habang lumalaki si Lima, nakikita nito ang sarili niya sa kanya. She needs all the help that she can get daw sabi niya sa ina.

Habang nakasakay sina Ysay at Albert kay Rizal, ikinukwento ni Ysay kung gaano kahalaga at ka-sentimental si Rizal sa kanila. Parang kakambal na raw ito ni Alex dahil noong bata pa ito, halos doon na matulog gabi-gabi. Kaya nkita naman daw ni “Andrew” kung gaano kasakit kay Alex noon kunin nila si Rizal.

Isinakay ni “Andrew” ang ilang mga kalalakihan sa jeep. Sinabi nila na kilala nila si Ysay sa TV, at binash nila si Mito. Wala daw binatbat sa kanya sa Mito, at puro katawan lang naman daw ang pinapakita nito, at saka nambabastos ng babae. Siempre ipinagtanggol ni Ysay si Mito, kaya napawi ang ngiti ni Albert. (Not clear kung hinire din ni Albert ang mga ito or nagkataon lang talaga…)

Sumasayaw sa dance floor sina Venice at Mito. Well, si Venice sumasayaw, si Mito pakitpot, looking very uncomfortable. Lalong dumikit si Venice kay Mito noong dumating iyong pinagseselos niyang lalaki, pero may dumating na babae. Girlfriend pala niya iyon. Lumabas si Venice, sinundan siya ni Mito. At first, galit siya kay Mito dahil killjoy daw siya…pero sa sarili lang talaga siya galit dahil hindi niya kayang maging masaya na mawala si Chad (the ex). Umiiyak ito at sinabing gusto lang naman niyang maging masaya.Nag-pass out si Venice.

Ginabi na sila sa pagmamaneho. Gusto ng umuwi ni Ysay dahil gabi na at hindi naman nila kilala ang mga tao doon. Ipagtatanggol naman daw siya ni “Andrew.” Tumirik na ang sasakyan.

Kausap ni Trining ang picture ni Rosario (did she call her in another name?!). Malakas daw ang kutob niya na si Moonlight ang tatay ni Ysay. Baka daw masaktan lang si Ysay dahil ipinagtabuyan niya noon si Rosario. Sana raw hindi na makita ni Ysay si Moonlight.

Naiinip na si Ysay, pero hindi pa nagagawa ni Albert. Baka may malas si Ysay. Naalala ni Ysay noong na-stranded sila ni Mito sa liblib na bahay ng kapitan ng isang barrio noong nagte-taping sila. Tinanong ni Albert kung ano raw ba ang meron kay Mito at hindi niya ito makalimutan. Tinanong ni Albert si Ysay kung mahal pa niya si Mito. Sinabi ni Ysay, hindi na pero ayaw maniwala ni Albert. Nagkasagutan na silang dalawa. Sinabi ni Albert na mahal pa niya si Mito kung kaya’t ayaw niyang magpahawak sa kanya, gusto niya si Mito raw. Hinawakan ni Albert ang kamay ni Ysay, pero dali-daling binawi ni YSay. siya raw ang nagmahal kung kaya’t siya ang magdedesisyon kung magpapakatanga siya ulit. Nag-walk out si Andrew, naiwang nag-iisa si Ysay.

Sumigaw si Ysay noong may nakabangga itong tao. Narinig ito ni Albert at bumalik ito sa pinanggalingan niya. Nag-aalala na rin siya. Dumating ang mga binayaran ni Albert…doon niya nalaman na hindi sila ang dahilan ng pagsigaw ni Ysay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: