Pangarap na Bituin, Episode 01

by

Nagpeperform ang Jewel Sisters infront of a live audience. Nagpasalamat si Sapphire sa mga audiences nila sa suportang ibinigay nila dahil maraming pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya. Isa raw silang pamilya at iyon ay hindi mababali kahit anong nos pa ang dumating. At dahil daw doon naabot nila ang pangarap na bituin.

…Ayan kumanta ulit sila ng “Pangarap ng Bituin.” All this time, maukhang malungkot si Emerald. Hindi siya kumakanta. Bigla na lang sinabi ni Emerald na ayaw na niya, hindi na raw niya kaya, hindi naman daw iyon ang pangarap niya para sa pamilya nila. Sa kanila na lang daw ang entablado, she quit…

At nag-walk out siya sa stage. Nagbigla ang lahat, including Terrence (Jericho Rosales), ang manager nila na si Lena (Rio Locsin), at si Berns (Pooh) na nasa audience din.

Itinuloy pa rin nina Saphhire at Ruby ang show.

Pagkatapos ng show, pumasok si Alberta, ang manager ng tatlo at galit na hinahanap si Emerald. Dumating din sina Sapphire at Ruby. Nagkasagutan sila. Inakusahan siya ni Sapphire na nagseselos lang si Emerald. Sila naman daw ang pinababagsak nila. Lalo lang silang nag-away, si Ruby ang referee nila. Ang gusto lang naman daw ni Emerald ay mabuo ang pamliya nila at si Sapphire lang naman daw ang may gusto ng singing trio nila. Si Sapphire daw ang sumisira sa pamilya nila. Kung masama lang daw siyang tao, pinagsasabi na niya sa mga tao ang mga pinaggagawa ni Sapphire sa kanila. Pero kapatid daw niya ito at hindi niya ito papatulan. Umalis na si Emerald. Gusto siyang sundan ni Ruby pero pinigilan siya ni Lena. Umiiyak na niyakap na lang niya si Pappy Berns .

Kumalat na sa balita ang pagku-quit ni Emerald. Dinumog si Emerald ng mga reporters para tanungin kung bakit siya aalis. May kinalaman daw ba si Terrence? Bakit daw siya nag-quit, etc.

Sumunod na lumabas sina Sapphire, Ruby, Lena, at Berns pero hindi rin nila sinagot ang mga tanog ng mga reporters.

Habang nakasakay si Emerald sa sasakyan, dinaanan niya ang mga billboards nilang magkakapatid at naalala niya ang mga kapatid. Sinabi niya sa driver na bumalik sila sa music hall.

Pagdating nila doon wala ng tao. Mag-isa siyang kumanta sa gitna ng stage habang umiiyak.

Flashback noong 1995 sa Albay…

Nakasakay sa minivan ang isang pamilya at masaya silang kumakanta the parents, Jade and Carlo (Sandy Andolong and Christopher de Leon). Habang nakasakay sila sa van, may dumaan na volkwagen na may nakasakay na batang lalaki at ang tatay nito. It turned out si Terrence iyon and the young Emerald stuck her tongue out to him, ganun din ang ginawa ni Terrence. Papunta siya sa Maynila, kasama ng ama niya (Bembol Rocco).

Naisipan nilang mag Jollibee. Nag-order si Carlo kasama si Ruby, habang naghihintay sa van si Jade (Sandy Andolong), kasama sina Sapphire at Emerald.

Umuusok na ang Bulkang Mayon, at nag-aalala na ang mga taong nakatira sa paligid.

Nagdarasal ang ama ni Terrence, sinabi niyang mahal niya si Terrence pero hindi niya pwedeng sabihin ang tunay niyang pagkatao. Papalabas sila sa simbahan noong papasok naman ang jewel family sa loob. Nagdasal na rin sila. Nakita ni Emerald ang laruang kotseng kuba na naiwan ni Terrence sa simbahan.

Nakita ni Terrence ang laruan niya later on. Nag-away sina Emerald at Terrence over the toy, pero ibinigay na rin ni Terrence ang laruan sa kaniya.

Pinapaalis na lang sila ng PHIVOLCS palayo sa bulkan. Nagpapicture pa muna sila. Naglalaro si Emerald pero nasugatan siya, kaya kinuha ng tatay nila ang first aid kit sa van. Sumabog ang bulkan at nagkagulo lahat ng mga tao. Nagkahiwalay si Terence at ang tatay niya. Nadaganan ng malaking bato ang tatay nito. Nakita ni Terrence na patay na ang ama.

Nahiwalay ang tatay nina Emerald sa kanila. Tumakbo si Sapphire, iniwan ni Jade sina Ruby at Emerald sa isang ligtas na lugar para hanapin si Sapphire.

Nagkita sina Sapphire at Carlo, pero bago sila magkalapit, nag-split ang ground na kinaroroonan nila. Nahulog ang tatay niya pero pilit siyang hinahawakan ni Sapphire, nabitawan nito ang hawak sa ama at nahulog siya. Nakita naman ni Jade ang mag-ama niya at the exact time na nahuhulog na ito.

Nadaganan si Jade ng isang heavy object at namatay (na yata) ito. May mga taong nagligtas kay Sapphire at inalis siya roon…

6 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 01”

  1. tinsters Says:

    wow mega kwento hehe…..thanx anyways so what do you think?for me sarah improved her acting skills….a lot.

  2. ptvj Says:

    hindi ko pa masyadong napanood si sarah act from her other shows, pero she’s not a bad actress, ha! lalo na nung galit siya, napifeel ko😆

    mukhang maganda naman iyong kwento…huwag lang nilang masyadong patagalin, baka maging walang kapalit the second na naman kapag nagkataon…

  3. tinsters Says:

    ako rin like ko yung dressing room eksena nila hehehe…..and yah naging lousy nga yung kwento ng walang kapalit sa bandang huli!

  4. geraldine Says:

    isn’t it supposed to be pangarap ‘ng’ bituin?
    sabi kasi sa taas pangarap ‘na’ bituin.

  5. ptvj Says:

    ‘na’ yung nakalagay sa website ng ABS CBN, e.

  6. zoe Says:

    ganda poh ng pangarap na bituin………
    bagay sila ni terence and sarah…..!!!
    gusto ko yung scene na kumakanta sila.
    galing ni sarah…best actress

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: