Margarita, Episode 26

by

Gusto ng sabihin ni Margarita sa mga kapatid niya ang trabaho niya para wala ng panghawakan sa kanya si Leslie.

Sinabi nin Bernard kay Jessica na sa tingin niya, kailangang ituloy ang imbestigasyon dahil na kokompromiso ang trabaho niya. Sinabi ni Bernard na nakokonsensiya siya dahil witness nga siya sa pagkamatay ni Adora noong kinuha ni Jessica si Gelly/Paula sa kanya. Aksidente lang daw iyon sabi ni Jessica. Gusto na talagang sabihin ni Bernard ang totoo, pero ipinamukha naman ni Jessica sa kanya na noong bata ito, iniligtas siya sa pagkakasagasa ng daddy nila kung kaya’t ito ang namatay at hindi siya. A few months after that, ang mommy naman nila ang namatay dahil hindi nito nakayanan ang pagkamatay ng daddy nila. Sinabi ni Jessica na walang kasalanan si Bernard, pero siya ang sinisisi ng mga tao. Ipinagtanggol niya si Bernard sa mga ito dahil kapatid niya ito. Pag-cry-cry effect pa siya para lang makonsensiya niya si Bernard at huwag na siyang kulitin nito na sabihin na ang totoo kay Paula.

May mga gustong magtable kay Margarita. Mukhang mga bata pa ang mga nag-te-table kaya tinignan Margarita ang mga IDs nila at pinapauwi na niya ang mga ito dahil dapat gumagawa ng homeworks ang mga ito sayang lang daw ang pinapag-aral ng mga magulang nila sa kanila. Umuwi naman ang mga ito.

It turned out kaklase pala ni Robbie ang mga naging customers ni Margarita. Nakumbinse nilang sumama si Robbie sa kanila next time na bumalik sila doon.

Binigyan ng baril ng informer niya si Rodrigo bilang proteksiyon.

Nakahanap ng trabaho si Rodrigo, as a trainer sa mga shar shooters (whatever that means!).

Highest na naman sa exam nila si Robbie. Tuwang-tuwa si Margarita sa kapatid at sinabing aalis sila sa Linggo. Tinanong ni Robbie kung okay lang na umutang muna siya dahil gusto niyang sumama sa mga kaibigan niya. Hindi siya pinautang, binigyan na lang siya ng pera instead tutal daw mataas naman ang mga grades niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: