Ysabella, Episode 50

by

Naupo si Ysay sa sa desk ni “Andrew.” Hindi pa niya napansin ang picture nina Andrew at Albert. Pinuntahan siya ni Burdoy at sinabing hinahanap siya ni Trining. Sinabi ni Ysay kay Trining na hinahanap niya sa internet si Moonlight. Nataranta si Trining at sinabing marami pa silang gagawin, niyaya niyang mamalengke si Ysay.

Nagpunta si Jordan sa opisina ni Lima. Tinatanong niya kung tinanggap na siya Lima para sa OJT niya. Noong sinabi ni Lima na hindi pa siya nakakapagdesisyon, sinabi ni Jordan na sabagay raw hindi naman talaga nakakapagdesisyon si Lima. Nagalit si Lima at sinabi niyang kung gustong magtrabaho doon ni Jordan para lang maliitin siya, redudant na lang daw ang posisyon niya dahil marami ng gumagawa sa kanya doon.

Narining ni Albert ang sagutan nina Jordan at Lima. Kinausap niya ng sarilinan si Jordan. Tinanong ni Albert si Jordan kung ano ba talaga ang pakay niya, para ba sa kumpanya or si Lima? Sinabi niya na gusto niyang gumanti kay Lima (bakit ba niya sinabi sa kuya ng gagantihan niya to?🙄 ) . Hindi makasagot si Jordan noong tinanong ni Albert kung mahal pa niya si Lima. Sa bandang huli tinanggap rin ni Albert si Jordan sa opisina nila. Dahil baka siya pa raw ang makatulong kay Lima.

Naaalala ni Mito ang mga pangarap ni Ysay sa restaurant na gusto nitong itayo. Kaya nagpasiya siyang ituloy ang plano niyang pagkuha sa titulo ng lupa. Pinasok niya ang hotel room ni Venice at hinalungkat ang mga gamit nito. Dumating si Venice, nagtago si sa side ng kama. Hindi niya alam nakita siya ni Venice, naghubad ito at akmang magsa-shower, nakita niyang paalis na si Mito. Pwede daw niyang ipakulong si Mito sa ginawa niyang pagpasok sa kwarto nito. Gusto paring ituloy ni Venice ang proposal niya kay Mito dati, umalis lang si Mito ng walang sabi-sabi.

Humingi naman ng pasensiya si Albert kay Lima. Harsh lang naman daw siya dito dahil gusto niyang matuto ang kapatid.

Nagkukwentuhan sina Ysay at Reno. Napag-usapan nila ang panliligaw dati ni Andrew kay Ysay. Sinabi ni Ysay na masyado raw kasing kumplikado noon. Tinapos na ni Ysay ang usapan tungkol kay Andrew. Pero gusto lang daw malaman ni Reno kung paano manligaw si Andrew. Dahil may napupusuan daw ito pero langit at lupa ang pagitan nila.

Ikinuwento ni Albert ang naging karanasan niya sa Spain. Doon daw hindi siya Amarillo at wala siyang sinandalan.

Nalaman ni Trining na mag-i-internet na naman si Ysay at hinahanap niya si Burdoy para magpaalam na gamitin niya ang computer ni Andrew. Gusto daw kasi ni Ysay na mag-research tungkol kay Moonlight para pag binisita nila si Alex sa Maynila, alam niya kung saan siyang gallery pupunta. Niyaya siya ni Trining na matulog na lang. Sa isip ni Trining humingi siya ng tawad kay Ysay sa hindi nito pagsabi sa katotohanan.

Inihatid ni Victoria si Albert sa labas ng gate nila (dahil papunta nga ito sa farm). Nagyakap ang mag-ina. Lingid sa kanilang kaalaman, nakamasid ang luhaang si Lupe at sinasabi niyang “anak” ng pa-ulit-ulit.

Ka-chat ni Mito ang kasosyo(?) ni sa restaurant. Wala sa sarili si Mito dahil iniisip niya ang sitwasyon niya.

Nabigla si Lima noong nakita niya si Jordan sa opisina nila. Hindi niya alam na tinanggap ni Albert si Jordan. Nagapacute naman ang secretary ni Lima kay Jordan. Huwag daw mag-alala si Lima, sabi ni Jordan, professional daw siya, he can work with his ex-girlfriends.

Dumating si Andrew at naabutan niyang nag-reresearch si Ysay. Inexplain ni Ysay ang interes niya kay Moonlight. May sorpresa si “Andrew” kay Ysay.

Si Rizal (ang jeep na naremata sa pagkakansangla noong nasa ospital si Perry) ang sorpresa ni “Andrew” kay Ysay.

May plano si Albert. Pina-set up niya ang jeep in a way na titirik ito sa isang certain area na gusto niya. Of course with the help of Burdoy and friends. Kunwari daw masisiraan sila, tapos kunwari babastusin ng mga hindi kilalang tao si Ysay at ipagtatanggol niya si Ysay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: