Walang Kapalit, Finale (Episode 95)

by

Eto na po ang ending…(after the jump na lang baka meron pag hindi nakakapanood…)

Nagmamakaawa si Melanie kay Cynthia na huwag na idamay si Ernest. Hindi naman daw alam ni Cynthia na aabot sla sa ganito. Ano raw ba ang pwede niyang gawin para iigtas si Ernest? Ibibigay daw niya ito kay Ernest huwag lang niya itong itulak. Kahit daw mawalay siya kay Ernest, basta buhay lang daw ito okay lang dahil mahal na mahal niya ang anak niya.

Lumuhod si Melanie. Kahit daw si Noel ibibigay daw niya ito, kung gusto niya si Ernest ibibigay daw niya ito. Huwag lang niyang saktan si Ernest.

Umiiyak din si Ernest dahil natatakot siya.

Nakarating na sina Noel at Brian sa rooftop.

Nagmakaawa na rin si Noel. Humingi ng tawad si Noel ka Cynthia kung nasaktan man niya ito. Lumuhod na rin siya.

Lol, para naman silang nagdarasal🙄

Ibinaba ni Cynthia si Ernest. Umiiyak na niyakap nina Melanie at Noel ang anak nila. Nagpsalamat sila kay Cynthia. Tumalon si Cynthia sa building.

Nakuha nina Brian at Noel ang kamay ni Cynthia at pilit na inaakyat nila pabalik. “I love you, Noel” daw (wala bang “I love you, kuya?”) at pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nina Noel at Brian. Bumitaw si Cynthia at nahulog siya sa building.

Namatay na si Cynthia .

Naiwang umiiyak sina Brian, Noel, at Melanie.

Pina-cremate si Cynthia. Naroroon sina Noel, Brian, at Diane noong ibinigay ang abo ni Cynthia. Umiiyak na niyakap ni Brian ang urn ng mga abo ni Cynthia.

Umuwi na si Noel (bakit nakapula si Melanie?). Sinabi ni Noel kay Melanie na “Tapos na,” ang nagyakap sila. (Ako din, payakap😆 ).
Nagpunta sa puntod nina Ariston at Agnes sina Melanie, Noel, Ernest, Ceding at Moody. Salamat dad…kuya, sabi ni Noel. Salamat din daw sabi ni Melanie sa mommy niya. At pakibulong na lang daw kay Cynthia na maraming salamat. (Paano kung hindi pareho ng final destination sina Cynthia at Agnes?)

Nag-group hug silang lahat. Naglakad na sila papunta sa paboritong kainan ni Ernest…

**Ipinakita ang flashbacks nina Melanie at Noel.

They quoted at the end iyong 1 Corinthians 13:4.

“Maraming maraming salamat po sa pagtangkilik” daw.

The End.

Salamat naman at tapos na. Pero nakakaawa rin si Cynthia. Maiksi lang iyong ending, pwede na nilang tinapos ito last week. Oh, well…

8 Tugon to “Walang Kapalit, Finale (Episode 95)”

  1. nawawala Says:

    shet! naiyak ako!!!
    ba’t naman hindi nakayang iangat si cynthia ng dalawang lalake?? grabe yung iyak talaga ni piolo! ang galing umarte! pati si claudine.

    tsaka asan yung parents nila cynthia?

    andaming pinatay ni noel at melanie!!

    at grabe, hindi kaya na-trauma yung bata?? iyak ng iyak!

  2. Rena Abad Says:

    Sino yung gumanap na Ernest? Anak ba ito sa tunay na buhay ni Jodi Sta. Maria? Pakisagot lang.

  3. ptvj Says:

    nawawala: oo nga ang lakas ni naman ni cynthia! pero natatawa talaga ako nung nakaluhod silang dalawa…wala lang. hehe. i really dinaya lang ung scene na nasa edge ng rooftop si ernest, dahil kung totoo iyon…grabe!

    rena: hindi ko alam, e. curious din ako…

  4. jenee Says:

    pansin nyo ba si dj durano (brian) palaging may sariling “moments”? balita kasi na syota daw yan ni wenn deramas hehehe.

  5. ptvj Says:

    hehehe…tsismis yan ah😉

  6. Kritic Lang Says:

    I haven’t seen this but reading part of the plot, para bang medyo “yuckie”. The writers may spinned it as love story but I would think if both of you grew up in the same household as brother and sister (whether step, adopted or biologically), magkapatid pa rin. I am thinking “incest”. But I guess a lot of people would still like it because of the casts and sabi nila “great acting”. But still, “ik” parin di ba? Baka naman pag napanood ko medyo maiba and isip ko. We’ll see!

  7. ptvj Says:

    that’s my issue on this soap as well. binibigyan nila ng malisya ang pagiging step-siblings. pero when i learned na noel wasn’t really ariston’s son (but his brother, a product of ariston’s dad’s affair) then it wasn’t that gross anymore– for me at least.

  8. NoCar Says:

    Sinubaybayan ko ang teleseryeng ito. Okay ang mga Casting. Mga batikang artista talaga. Kaya lang panget ang story lalo pang pumanget kasi paiba iba ang itchura ni Claudine kasi buntis. And dahil nga buntis siya parang pigil ang pag-arte niya. Si Cinthia lang ang magaling dito. (Huwag nyo ng ulitin ito ha)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: