Margarita, Episode 25

by

Sinabi ni Margarita na nagi-guilty na siya at gusto na niyang sabihin kay Rodrigo ang totoo. Baka raw kasi pandirihan siya nito. Ikinakatakot din raw niya ang balak ni Rodrigo tungkol sa kaso ng tatay niya. Kung magagalit daw si Rodrigo sa kanya, mas hindi niya ito mapipigilan sa balak nitong pagku-quit sa Police Academy.

Habang sumasayaw si Margarita, nakita niyang kinukuhanan niya ng video ni Leslie through her cellphone. Nakiusap si Margarita kay Leslie, ano raw ba ang kailangan niya? Sinabi niya na na-send na niya sa mga kaibigan niya. Ano raw kaya ang masasabi ni Rodrigo at mga kapatid nito.

Teka, hindi ko ma-gets? Siya GRO, pero tinatawag niyang pokpok si Margarita?

Gusto ni Leslie na hiwalayan na ni Margarita si Rodrigo. Sinabi nito na matagal na silang hiwalay.

Umiiyak si Margarita habang natutulog ang mga kapatid niya.

Kinausap ni Rodrigo si Margarita. (Mukhang galit, akala siguro ni Margarita na alam na ni Rodrigo ang tungkol sa pagsasayaw niya). Gusto lang daw malaman ni Rodrigo kung mahal pa rin siya ni Margarita dahil iyong lang daw ang panghahawakan nila. Nag-away sila kasi na-sense ni Margarita na may binabalak na hindi tama si Rodrigo.

Tinawag siyang pokpok ni Leslie si Margarita sa kalye. Huwag daw siyang magmalaki dahil hawak ni Leslie ang alas. Sinabi ni Margarita na sa kanya na si Rodrigo, ano pa raw ba ang gusto niya? Gusto ni Leslie na halikan daw niya ang paa niya or else ipapakita niya ang video ng pagsasayaw niya sa mga kapatid niya. Akala ko hahalikan niya e. Hinila ni Margarita ang paa ni Leslie at napaupo ito sa ground. Pinagtawanan siya ng mga usisera sa kalye.

TUmakbong papauwi si Margarita at minadali ang pag-e-empake nila. Nakalipat na sila sa isang mas malaking apartment na ikinatuwa naman ng mga kapatid niya. Si Didith naman pinalayas na si Leslie.

Sasabihin na raw ni Margarita ang totoo sa mga kapatid niya kapag nakahanap siya ng tiyempo.

Nagdasal si Margarita sa simbahan.

Nag-aalala naman ang kasabwat ni Ramon kay Bernard. Ang dapat daw nilang ikabahala ay si Rodrigo hindi si Bernard. Huwag na raw hayaan ni Ramon na maging problema si Rodrigo, sabi ni Morales. Sinabi ni Ramon na itutumba na raw ni Ramon si Rodrigo. Hindi nila alam sinundan sila ni Rodrigo.

Pinaghanda nina Robbie at Gabby ng almusal si Margarita. Gusto lang daw nilang alagaan ang ate nila dahil lagi na lang siya ang nag-aalaga sa kanila. Baka daw mapagod na siya sa pag-aalaga sa kanila. Niyakap ni Margarita ang mga kapatid, kahit kailang daw hindi siya magsasawa sa kanila. Nakahanap ng trabaho every weekend si Robbie sa talyer dahil gusto nitong makatulong. Pinaghanda siya ng pagkain ng mga ito.

Nagtanong si Rodrigo sa dating informer ng ama tungkol kay Ramon. Sinabi niya na kilala daw si Velasquez sa pagiging mahilig sa baril. Mag-iimbestiga pa raw ang informer. Nagdududa na sila na may kinalaman si Ramon sa pagkamatay ni Carding.

Highest sa exam si Robbie sa klase nila. Nakakahiya naman daw kasi sa ate niya na nasusulit ang pagod nito. Niyaya siya ng mga kaibigan niya na mag-bar sa Malate. Next time na lang daw, sabi niya.

Susundan sana ni Rodrigo si Ramon sa opisina nito (after office hours na siguro iyon dahil walang tao…pero hindi ba round the clock nagtatrabaho ang mga taga NBI?), pero pinigilan siya ni Bernard…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: