Ysabella, Episode 49

by

Nagalit si Venice dahil sinundan siya ni Mito. Akala kasi ni Mito nalulunod na ito. Nagkasagutan sila at umalis na si Venice.

Isinama ni Ysay si Trining noong kinausap niya ang dating may-ari ng restaurant. Nalaman nina Ysay na may isang exhibit sa dinaluhang gallery ni Mrs. Dominador na puro nanay ni Ysay ang nasa painting, pero sarado na ito. Gustong makilala ni Ysay si “Moonlight” dahil konektado daw siya sa nanay niya, sandali lang daw kasi silang nagkasama nito dahil maaga siyang pumanaw.

Sinundan ni Mito si Venice sa pag-aagahan niya. Sinabi niya ang pakay niya dito. Ang kundisyon ni Venice, “Be my boyfriend.” Umangal si Mito diya, kakakilala na lang daw niya boyfriend na agad (Asus, palay na iyan, tsong…hehe). Magkukunwari lang daw silang magboyfriend. Ayaw pumayag ni Mito.

Natunton ni Albert ang bahay ni Lupe (Perla Bautista), ang ina ni Victoria. Nagpakilala si Albert at tinawag siyang “Lola.” Sinabi ni Albert ang sitwasyon ni Victoria, nagbabakasali siya na kung magkakaayos si Lupe at Victoria, mas madaling matatanggap ni Victoria ang lahat. Palagay daw ni Lupe galit parin ito sa kanya. Matagal na rin silang hindi nagkikita.

Flashback: Humingi ng pera si Lupe kay Ontario. Nagmamakaawa si Victoria kay Lupe na hwuag siyang iwan nito. Later noong bumalik si Lupe, humingi ito ng pera kay Victoria at tinaggihan siya nito. Kinalimutan na raw niyang mayroon siyang ina.

Wala na raw ibang matakbuhan si Albert, sinubukan na niyang lahat. Kulang na lang daw nakipagpalit na siya kay Andrew at siya na lang ang namatay. Ayaw pa rin ni Lupe, ipagtatabuyan lang daw siya ni Victoria. Ayaw maniwala ni Albert, alam daw niyang hindi nito matitiis ang anak niya.

Kung gusto daw ni Albert magkukunwari daw si Lupe, pero babayaran siya nito. Tinawag siyang selfish ni Albert, ibinalik ni Lupe kay Albert ang paratang nito. Pinapasa lang daw ni Albert ang problema ng pamilya niya dahil pagod na siya, sabi ni Lupe.

Umalis na si Alex patungong Maynila. Nagyakapan silang lahat bago sumakay ng tricycle si Alex.

Nagpunta na si Ysay at Trining sa farm.

Naghahanap ng internet si Ysay, pinagamit ni Burdoy ang computer sa opisina ni Andrew.

Habang may dinidiscuss si Lima tungkol sa business nila, bigla siyang tinanong ni Albert kung napapabayaan ba niya sila? Siempre sinabi ni Lima, hindi.

Bakit hindi daw muna mag-stay si Albert with them. May kailangan lang daw ayusin si Albert.

Tinetrain ni Albert si Lima para maging effective leader sa business nila. She should always make them her priority. Noong sinabi ni Lima na hindi naman siya sinusunod, biglang nag-snap si Andrew at sinabing “Make them.”

Naiiyak na si Lima, pero ipinaliwanag ni Andrew na mas malaki ang pressure sa kanila dahil akala lang ng mga tao nasa posisyon sila, dahil anak sila ng may-ari. Maybe they’re right daw, sabi ni Lima.

Narinig ni Venice na kausap ni Mito ang daddy niya. Nagtalo sila pero hindi pa rin nakuha ni Mito ang titulo.

Pagpasok ni Ysay sa opisina, namangha siya dahil malinis ito. Hindi naman daw siya ganoon kalinis dati.

May nakita si Ysay…(malamang iyong picture nina Andrew at Albert na ginawang screensaver sa computer).

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 49”

  1. Hans Says:

    I’m excited sa anong mangyayari on monday:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: