Natutulog ba Ang Diyos? Episode 31

by

Nakabalik na si Gillian kina Andrew. Dinalhan siya ng pagkain ni Andrew at pinilit niya itong kumain. Siya pa ang naghain para dito. Sana raw hindi na siya pumunta sa nanay niya para hindi na siya ipagtabuyan nito. Bakit hindi daw siya kayang mahalin ng ina niya? Para daw hindi siya totoong anak nito. Mahirap raw ba siyang mahalin? Inakbayan siya ni Andrew.

Sinabi ni Boy kay Tina na gusto daw kasing makita ni Patria ang anak niya kaya sinundo niya si Gillian tapos pinagtabuyan lang siya nito pagdating niya doon. Sabi ni Tina ang swerte daw ni Andrew dahil mababait ang mga magulang niya, e sila puro kunsumisyon ang dinadala ng mga magulang nila sa kanila. Narinig iyon ni Patria pero hindi na siya kumibo.

Sinabi ni Mark na nirereto siya ng mommy niya kay Trish. Sino ba raw ang gusto niya? Biglang dumating si Gillian at tinanong siya ni Mark kung gusto niyang kumain sa labas at ililibre daw sila ni Andrew. Tumanggi naman si Gillian dahil may trabaho pa raw siya.

Wala pa ring balita si Bernardo sa mga kasabwat niya at sa limang milyon na daat nilang paghatian. Narinig ito ni Patria at tinanong niya kung ano daw ang pinag-uusapan niya ng kaibigan niya. Gusto ni Patria na tigilan na ni Bernardo ang paghahanap niya sa pera. Inamin ni Patria na naiinggit siya kay Rose dahil siya ang kasama ng anak niya. Iyon lang daw ba ang dahilan kung bakit siya inggit kay Rose, tanong ni Bernardo?

Hindi pa bati sina Rose at Mike pero inaasikaso pa rin niya ito sa ospital.

Ayan kumanta na si Lani Misalucha. Mga eksena: tinutulungan ni Andrew si Gillian, inaalagaan n Bernardo si Patria at binigyan pa niya ito ng saklay, inaasikaso ni Rose at ni Andrew si Mike, inaalalayan ni Boy si Patria para makapaglakad, lumuluha si Gillian…

Nakauwi na si Mike. Winelcome siya ni Gillian. Sinabi ni Mike na dapat huwag ng mag-uniform sina Gillian at Bertang. Pero ayaw pumayag ni Rose, galit ang bruha, gusto pa niya si Gillian ang utusan ni Mike.

Maglalako ng mga fishballs at kikiam si Patria. Sinabi ni Tina na huwag siyang uutusan ng ina. Natanggap namang car wash boy si Boy😆 .

Bonding time naman nina Emma at Rose. Sinabi ni Emma na dapat daw mag-build ng career si Rose. Ayaw naman ni Rose dahil baka mapabayaan na niya ang mag-ama niya. Pati raw si Gillian napapagsungitan niya. Ewan raw ba niya, tuwing nakikita niya si Gillian, naaalala niya si Patria. Ang sabi ni Emma bakit daw siya concern sa isang anak ng katulong.

Si Mike na ang humingi ng paumanhin kay Rose dahil ayon sa kanya, she’s been going through a hard time. Dumating si Rose at nagpa-akyat lang siya ng tea kay Gillian. Sinusungitan pa rin niya si Gillian. Muling nagpasalamat si Gillian sa pagtanggap ni Rose sa kanya. Pag-alis ni Gillian, umiyak si ROse.

Ayaw tumulong ni Tina sa gawaing bahay. Dapat raw hindi na niya pinagtabuyan si Gillian e di sana may gagawa daw sa mga pinagagawa niya sa kanya. At saka since gipit sila right now, sana may maibubugaw na siya dahil hirap na hirap na sila sa pagpapalaki sa kanila. Sinampal ni Patria si Tina at sinabi niyang kaya ni pinalayas si Gillian ay para magkaroon ito ng mabuting buhay at makapag-aral sa magandang iskwelahan.

Ayaw papag-aralin ni Rose si Gillian dahil marami daw itong trabaho. Pero sinabi ni Mike na pwede naman niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Pinuntahan ni Boy si Gillian para sabihin niyang may malasakit din pala si Patria sa kanya dahil may dahilan pala kung bakit siya nito pinalayas. Wala na raw maramdaman si Gillian, dahil hindi naman siya itinuring na anak nina Bernardo at Patria. Basta ang mahalaga daw sila ni Boy nagmamahalan.

Nagyakap ang magkapatid…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: