Margarita, Episode 24

by

Sinuntok ni Ramon si Bernard noong sinabi niya na baka kasama si Ramon sa cover-up kaya gusto nitong itigil ang imbestigasyon. Nagkasagutan sila, nagsigawan. Huwag na raw niyang paasahin pa si Rodrigo dahil sarado na ang kaso.

Nalaman ni Leslie (yung babaeng ginamit Rodrigo para pagselosin si Margarita noon) mula sa boyfriend niya na dancer sa club si Margarita. Tinanong niya kay Didith pero dineny lang nito at sinabing waitress si Margarita at hindi dancer.

Kinabahan si Margarita noong nalaman niyang tinatanong ni Leslie ang tungkol sa trabaho niya. Hindi daw aapak ng Malate iyong, sabi naman ni Didith, dahil maraming galit na GRO dito.

Namatay na sa ospital si CardingšŸ˜¦ .

Inilibing na si Carding. Naroroon sina Margarita, Robbie, Gabby, Didith, at ang mga kasamang pulis nito.

Gusto daw magtiwala ni Rodrigo na hahanapin talaga ng task force kung sino ang bumaril sa tatay niya, or else…

Huli na noong malaman ni Bernard na namatay na si Carding. Hindi ito nakadalo sa libing. (How is that possible?) paano raw niya masasabi kay Rodrigo na hindi na tuloy nag imbestigasyon.

Dinalaw ni Bernard si Rodrigo. Sinabi niya na si Bernard lang ang pag-asa niya para malutas ang kaso ng pag-ambush ng tatay niya. Hindi pa sinabi ni Bernard na isinarado na ulit ang kaso.

Habang may ka-table si Margarita, nagpakilala ang boyfriend ni Leslie sa kanya. Nakiusap sina Didith at Margarita na huwag na sanang iparating nito kay Leslie na totoong dancer si Margarita sa club. Okay lang daw, pero mukhang naghahanap siya ng kapalit. (So, siya ba iyong lalakeng malagkit ang titig kay Margarita on one of the previous episodes).

Pumayag na magpa-table si Margarita sa boyfriend ni Leslie, pero he wanted more. Sinampal siya ni Margarita. Pinalabas siya ng bouncer. Humanda daw siya, banta nito kay Margarita.

Pag-uwi nila Margarita at Didith ang usap-usapan ng mga tsismosa tungkol sa kanya.

May ibinigay na impormasyon ang dating informer ni Carding kay Rodrigo tungkol kay Scarface.

Napaaway si Gabby dahil tinawag na pokpok si Margarita. Susugurin sana ni Robbie ang mga umaway kay Gabby pero pinigil siya ni Margarita.

Nagalit si Rodrigo mula kay Ramon na sarado na ang kaso ng tatay niya. Kaya sinakal niya si Bernard noong nakita niya ito dahil hindi nito ipinaalam sa kanya na sarado na ang imbestigasyon tungkol sa pagkaka-ambush ng tatay niya.

Sinabi ni Didith na huwag ng mag-alala si Margarita dahil nakahanap na siya ng malilipatan nila. Until kailan daw na naman sila doon bago siya mapagtsismisan ulit ng mga kapitbahay nila. Sinisi ni Didith si Margarita dahil pinigilan niya ito noong sasabunutan niya si Leslie dahil siguradong siya ang may pakana ng mga tsismis at ang boyfriend niya. Ayaw lang daw ni Margarita ng gulo. Paano na raw si Rodrigo sabi ni Didith. Sabi ni Margarita, baka raw ganoon talaga. Baka may ibang mas malinis na babae para kay Rodrigo.

Pumunta sa puntod ni Carding si Rodrigo at nangako ito na ipaghihiganti niya ang pagkamatay nito. Wala na raw siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya.

Niyaya ni Rodrigo si Margarita na magpakasal. Ayaw ni Margarita, paano na raw ang pag-aaral nito. Nalaman din niya na sinarado na ang kaso ni Carding. Sabi ni Rodrigo na hindi na siya pwedeng magtrabaho sa loob ng sistema, hindi na siya pwedeng maging pulis.

Sinabi ni Margarita na depende kay Rodrigo kung kaya niya itong tanggapin at hintayin. Tinanong ni Rodrigo kung may iba pa itong dapat malaman sa tungkol sa kanya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: