Ysabella, Episode 48

by

Bumisita si Homer at sinabi ni Albert na hindi pa magaling si Victoria.

Kinausap ni Ysay ang picture ni Rosario. Sinabi niya dito ang tungkol sa painting, ang hindi niya pagpunta sa States, etc.

Maraming inaasikaso si Albert sa opisina. Habang nagmi-meeting sila, nakatanggap ng tawag si Albert mula kay Ysay. Kailangan daw niyag makausap si “Andrew.” Magkikita sila bukas sa farm. Habang kausap ni Ysay si Albert sinesenyasan ni Alex. Hindi raw siya makakasama kay Ysay dahil may lakad sila ni Tere at ang banda nito.

Pina-cancel ni Albert ang lahat ng mga appointments niya.

Habang natutulog si Ysay, pinagmamasdan siya ni Trining. Hindi raw alam ni Trining kung napunan nya ang pagkawala ni Rosario sa buhay ni Ysay.

Dumating na si Mito.

May problema sa biniling lupa ni Mito. Hindi makita ni Eugene (Rey PJ Abellana) ang titulo ng lupang ibinenta niya kay Mito. Dinala raw kasi ng anak niyang si Venice (Angelia Panganiban) kasama ang ilan pang mga titulo ng lupa dahil galit ito sa kanya at siya ang sinisisi niya sa pagkamatay ng ina niya. Mula raw noong namatay ang mommy niya, nagwala na si Venice, tumigil na sa pag-aaral at laging naglalasing. Sinabi ni Mito na siya ang kakausap dito.

Dumating na si Albert sa farm.

Sinabi ni Ysay na tinatanggap na niya ang alok ni “Andrew” na magpartner sila sa farm. Pakipot pa si Albert. Pinipilit pa rin ni Ysay ang gusto niya. Dalawang buwan lang daw ang palugit sa kanya (From who? E di ba hindi na siya pupunta sa states?) at huwag siyang mag-alala at tutuparin pa rin niya ang mga pangarap niya at ang pangako niya sa nanay niya, hindi raw siya titigil hangga’t hindi niya nababawi ang recipe ng nanay niya kay Victoria.

Nagpi-piano si Victoria. Nag-sa-suggest si Lima ng mga pwedeng gawin ni Victoria, pero walang gustong gawin si Victoria.

Nag-uusap sina Ysay at Andrew. Sinabi nitong ipagluluto niya si Andrew. Nagkabungguan ang mga mukha nin Ysay at Andrew. Natigilan silang pareho.

Habang nagluluto si Ysay, nakatulog si Albert. Ibinagsak ni Ysay ang plato sa mesang nasa harapan ni Albert para magising. Hindi pa rin dumidilat si Andrew, inilapit ni Ysay ang mukha niya dito, biglang gumawa ng ingay si Andrew sabay sabing “Type mo ata ako, eh.” Hinawakan ni Andrew ang kamay ni Ysay, binitawan ni Ysay sabay sabing nasusunog na ang niluluto niya.

Nalaman ni Alex kay Tere na baka kailangan niyang lumipat kung sasali ito sa banda nila dahil halos sa Maynila ang mga gig nila.

Nakarating na si Mito sa hotel na tinitirhan ni Venice. Tinanong niya ang receptionist kung naka-check in pa si Venice. Nandoon pa ito, pero madaling araw na umuuwi.

Nalulungkot man si Trining sa pagtira ni Alex sa Maynila at pagpunta ni Ysay sa farm ni “Andrew,” pero wala naman siyang magagawa. Gustong sumama ni Reno kay Alex sa Maynila, pero isasama siya ni Ysay sa farm.

Habang naglalakad si Mito sa may pool side ng resrot na tinutuluyan niya, naalala niya niya noong sila pa ni Ysay. Nakita niya si Venice at sinundan niya ito may tabing dagat. Lasing ito kaya pinipigilan siya ni Mito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: