Walang Kapalit, Episode 93

by

Tinanong ni Noel si Ernest kung gusto niton makita ang mommy niya. Tumango naman ang bata, at sinabi ni Noel na kailangan muna niyang kumain at uminom ng mga gamot nito.

Paulit-ulit na sinasabi ni Cynthia na sandali na lang at matutupad na ang mga plano niya.

Hindi pa rin okay sina Melanie at Noel.

Nakalabas na si Ernest sa ospital.

Ayan, 5th birthday na ni Ernest. May malaking party, may mga clowns at magicians pa. Nandoon din sina Brian at Diane.

Nagyakap na rin ang mag-asawa sa wakas.

Tinatanong ni Brian kung naniniwala pa ba si Noel sa salita ni Cynthia? Mismong si Brian hindi naniniwala kay Cynthia.

Hinahanap pa rin ni Ernest ang “mommy” niya.

Nalaman ni Vanessa mula kina Ceding at Moody na makikipagkita sina Melanie kay Cynthia para kay Ernest (Nasaan si Miguel?). Duda rin daw si Vanessa sa intensiyon ni Cynthia sa pakikipagkita niya kina Melanie.

Pinuntahan ni Brian si Cynthia para balaan na kung may masama itong balak, huwag na niyang ituloy. Wag daw siyang makialam, sagot niya sa kuya niya.

Sinalubong ni Brian sina Melanie, Noel, at Ernest sa lobby para sabihing huwag na kaya nilang ituloy ang pakikipagkita kay Cynthia dahil masama daw ang kutob niya. Pero itinuloy pa rin nila.

Niyakap ni Cynthia si Ernest at niyakap at hinalikan niya ito. Gustong makausap ni Cynthia ng mag-isa si Ernest. (Pwede ba iyon? Geez.)

Gustong sumunod ni Ceding kina Melanie dahil masama raw ang kutob niya.

Ayaw pumayag ni Melanie na mapag-isa sina Cynthia at Ernest. Pero iniwan din nila ito.

Mga tanga! Nakakulong si Cynthia hindi siya pwedeng iwang mag-isaπŸ™„

Nagtatalo na naman sina Melanie at Noel.

Sinabi ng mga kasama ni Cynthia sa kulungan na may masamang balak si Cynthia. (Bakit palakadlakad lang si Brian sa may kulungan?πŸ™„ ) Sinabi nila na sinasabi dati ni Cynthia na magkakasama rin sina Cynthia, Noel, at Ernest. Tumakbo si Brian…

Dinala ni Cynthia si Ernest sa banyo para itakas sa bintana…

Ayan nagkagulo na ang baranggay dahil nawawala na si Cynthia at Ernest…

πŸ™„

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 93”

  1. nawawala Says:

    yun na nga eh!! kung di ba naman sila TANGA!! ay nakO!! maski naman sana isang pulis, andon sa room no! tangengot talaga! nahahayblad ako!
    ba’t ganun sila sumulat? di ba nila naiisip na hindi mga tanga yung nanonood??? kakairita!! tapos nakita ko na yung preview, yung nakaupo yung bata dun sa rooftop tapos tinatakot na ihuhulog yung bata… grabe! baka ma-trauma sya!! kawawa naman!!

  2. ptvj Says:

    parang hindi pa nagkakape mula sa 2 oras na tulog ang mga writers ng show na ito. ang ganda na sana ng story, tapos pinahaba pa ng ganito. ngayon, i can’t wait until this show is over. hindi ko na nga lang maiwasang hindi panoorin kasi malapit na ngang matapos — i guess that’s the reason why the writers don’t care anymore kasi alam nila na mas malakas ang hatak ng curiosity kesa sa consistent na story.

    kawawa nga iyong bata. i’m really hoping na dinaya nila ang scene na iyon…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: