Natutulog ba Ang Diyos, Episode 30

by

Nakita nina Gillian at Karla na tinututukan ni Minerva ng baril sina Andrew at Rose. Hinampas ni Gillian ng sanga(?) si Minerva. Sinampal ni Rose si Minerva. Tumakbo naman paalis si Karla ng mahuli na ang nanay niya.

Tinawagan ni Mike si Emma para ipa-check sina Rose at Andrew dahil hindi na sila sumasagot.

Nag-uusap sina Bernardo at Patria. Nanghihinayang si Bernardo sa perang nawala sa kanya, samantalang si Patria naman, nalulungkot dahil napawalay sa kanya si Andrew.

Pinahuli ni Rose sa pulis si Minerva. Ito ang tagpong nakita ni Emma.

Nagtinginan sina Andrew at Gillian. Naalala ni Gillian ang pamilya niya. Tumakbo ito papunta sa bahay nila at noong narealize niyang wala na sila, napaupo na lang ito at umiiyak. Niyakap niya si Andrew.

Tinanong ni Rose kung nag-o-over acting lang ba siya sa galit niya kay Mike? Of course not daw, anlaki daw ng bahay nila lahat ng milagro pwedeng mangyari. Kita mo raw siya, 10 years na pala siyang niloloko ng ex-husband nito.

Nagtatalo sina Andrew at Mark ayaw na ni Andrew na hanapin pa ni Gillian sina Patria dahil iniwan siya ng mga ito.

Tinanong ni Rose kung ano ang balak ni Gillian. She can stay daw kung gusto niya. Pero sinabi ni Gillian na hahanapin niya ang mga magulang niya at sasama na siya mga ito kapag nakita niya. Kung hindi raw niya nakita babalik daw siya kina Rose kung tatanggapin pa rin siya nito.

Sinabi ni Rose na aalis na siya at pupuntahan daw niya si Mike. Hinawakan ni Gillian ang braso ni Rose pero inignore lang siya nito.

Nalaman nina Andrew at Mark na umalis na si Gillian at sinundo siya ni Boy.

Pagdating niya sa bahay nila, pinalayas niya si Gillian kahit nagmamakaawa ito sa kanya na huwag na siyang palayasin. Babalik na lang daw siya kina Rose. Umiiyak na nagpaalaman sina Boy at Gillian.

Nasa labas ng dating bahay nina Gillian sina Andrew at Mark at nag-aalala sila kay Gillian. Dumating si Gillian at dirediretso ito sa bahay.

Inaway ni Boy si Patria dahil sa ginawa niya kay Gillian. Hindi naman kumikibo si Patria.

Umiiyak si Gillian.

Umiiyak din si Patria. Sinasadya pala niyang palayasin si Gillian para bumalik ito sa mga totoo niyang magulang. Nagi-guilty ito dahil masama ang trato nito sa kanya, pero minahal pa rin sila ni Gillian. Alam daw niyang masakit pero mas gaganda ang buhay niya sa tunay niyang magulang…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: