Margarita, Episode 23

by

Dahil nag-topless si Amanda, pati si Margarita kinakantiyawan ng mga manonood para mag-topless na rin. Inutusan niya ang mga dancers na alisin si Amanda sa stage. Umalis na rin si Amanda. Nasisante si Amanda sa trabaho, ibinigay ng boss nila kay Margarita ang set ni Amanda. Mula daw ngayon, siya na si Greta ang reyna ng club nila. Ayaw sanang pumayag ni Margarita pero kailangan nito ng pera.

Tumitingin sa photo album sina Bernard at Paula (name pala iyon ni Gelly ngayon). Tinanong ni Paula kay Bernard kung bakit walang picture si Jessica noong ipinagbubuntis niya si Paula. Sinabi ni Bernard kina Jessica at Robert na baka mas maganda kung sabihin na nila ang totoo kay Paula. Ayaw namang pumayag ng dalawa, magkakagulo raw. (Duh! E di sabihin nila superstitious belief ng mga matatanda na bawal magpakuha ng pechur kapag buntis ang tao).

Binigyan ni Margarita ng pera si Rodrigo para pambili ng gamot ni Carding. Ayaw kunin ni Rodrigo ang pera, pero ang sabi ni Margarita, malaki din naman ang utang na loob niya kay Carding. At saka hindi man daw sila magkarelasyon ni Rodrigo right now, nagmamahalan pa rin sila. Naks naman!

Kumuha ng labahin sina Robbie at Gabby para makatulong kay Margarita. Nagi-guilty si Margarita dahil kung alam lang daw ng mga kapatid niya ang ginagawa niya…(Lol, mas sexy pa ngang sumasayaw ang mga ASF dancers sa iyo no). Ginagawa lang daw niya ang lahat para sa mga kapatid niya, wala naman daw siyang kasalanan, sabi ni Didith sa kanya.

Sinabi ni Rodrigo kay Bernard na hindi rin naniniwala si Carding na walang nag-utos kay Scarface. Sinabi ni Bernard na makikiusap siya kay Ramon para buksan ulit ang imbestigasyon pero dapat tigilan na ni Rodrigo ang sarili nitong imbestigasyon.

May nag-aalok ng kotse at bagong bahay kay “Greta” noong nakikipagtable ito sa kanya. Binigyan siya ng pera nito bago siya umalis para sumayaw. Sumayaw na siya ulit. May lalaking malagkit ang titig sa kanya habang sumasayaw siya (well, I bet lahat ng mga lalaki dun iba ang tingin sa kanya, pero sa kanya lang ifinocus ang camera, hehehe).

Gusto ng sabihin ni Margarita ang totoo niyang trabaho sa mga kapatid, pero nag-iipon pa ito ng lakas. Ang payo naman ni Didith, huwag na lang niyang sabihin sa kanila, bilisan na lang niya ang pag-iipon para tumigil na siya sa trabaho.

Pinuntahan ni Bernard si Carding at Rodrigo. Sinabi niya na nakumbinse niya si Ramon para buksan ulit ang imbestigasyon. Nagka-seizure(?) si Carding. Dinala siya ng mga ito sa ospital.

Pagbalik ni Bernard sa opisina nila, nalaman niya na ipinasara na ni Ramon kaso ni Carding. Nagkasagutan sila, baka raw siya mismo ang nagko-cover up para hindi malaman kung sino ang may pakana ng pagkakabaril ni Carding…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: