Ysabella, Episode 47

by

Yumakap si Lima kay Andrew, dumating ang van na sinasakyan nina Ysay. Dali-daling ipinasok ni Andrew si Lima at Oslo.

Sinalubong ni Andrew ang partido ni Ysay. Tinanong ni Trining kung si Lima ang nakita nila. Sinabi ni Albert na nag-away sila ng mommy nila kaya biglang napasugod dito. Lahat daw ata kaaway ni Victoria, ang sabat naman ni Trining. Nagbago ang timpla na mukha ni Andrew, kaya ipinaalala ni Ysay ang damit na hinahanap nito.

Nakausap ni Albert si Victoria at nilambing niya ito. Sinabi nito na uuwi na rin siya. Hinayaan na lang ni Albert na tawagin siyang Andrew ni Victoria.

Nakita ni Trining ang isang envelope na naka-address kay Albert Amarillo. Sinabi nito na tiyuhin nila ito at doon nagtatrabaho si Lima.

Ayaw sabihin ni Alex kung sino ang ka-text niya. Para daw nireregla si Andrew kapag may problema.

Naiwan ni Reno ang tsinelas niya kaya bumalik ulit siya. Noong papalabas siya, pinagmasdan niya si Lima na kasalukuyang umiiyak sa balkonahe.

Ibinigay na ni Mr. Fletcher ang ticket at visa ni Ysay. Naalala naman ni Ysay ang mga pinagdaanan nila ni Andrew. Humihingi ng dalawang buwang palugit si Ysay, dahil may aayusin daw ito. Kailangan daw talaga niyang tulungan ang kaibigan niya. Hay naku, Ysay🙄 .

Nakauwi na sina Lima sa mansion kasama na si Albert. Masaya silang sinalubong ni Victoria. Kinabukasan, masayang nag-almusal ang magkapatid.

Nagdesisyon na si Ysay na huwag ng umalis. Noong papalabas ito, nakita niya ang painting ni Rosario. Tinanong niya kay Mr. Fletcher kung kanino niya nakuha ang picture. Hindi alam ni Mr. Fletcher kung saan niya galing ito. “Moon light” ang naka-sign sa painting.

May therapy session si Victoria. Sinabi niya sa doktor niya na nag-ga-gardening siya. Nakuha daw niya sa nanay niya iyon. Sinabi ng doktor na matagal na niyang hindi binabanggit ang nanay niya. Hindi raw daw sila magkasundo ng nanay niya, hinuthutan daw niya si Ontario tapos bigla na lang siyang nawala. Ni-reveal din ni Victoria narape ang nanay niya at siya ang bunga nito.

Nakausap ni Ysay ang may-ari ng restaurant. Binili lang daw niya ang restaurant from a certain Mrs. Poblacion. Gustong bilhin ni Ysay ang painting pero goodluck charm daw kasi ng may-ari ito kaya ayaw niyang ibenta.

Sinabi ng doktor ni Victoria na hindi lang daw naman ang pagkamatay ni Andrew ang ugat ng problema ng mommy niya. Palagay daw niya, may nangyari between Victoria at ang nanay niya at masyadong nasaktan si Victoria. Sina Andrew ang pinagtakip niya ng problema, kaya noong namatay si Andrew nabuksan ang nakabaon na niyang problema.

Ka-text ni Alex si Tere.

Dumating na si Ysay at nalaman na ni Trining ang desisyon nito. Hindi man sang-ayon si Trining, wala naman siyang nagawa. Sinabi ni Ysay ang painting na nakita niya. May sikreto si Trining, ayaw niyang sabihin kay Ysay. Instead, sinabi niya na maraming raket si Rosario noong araw.

Nag-flashback si Trining: It turned out na buntis na si Rosario noong pinakasalan siya ni Abdul (ang nakagisnang tatay ni Ysay). Pero pinapangako niya ni Trining na huwag ipaalam kay Ysay ang katotohanan.

Sinabi na ni Mr. Fletcher kay Mito na tinanggihan siya ni Ysay. Kaya si Mito na ang magiging chef niya sa restaurant nito (since ayaw pumayag ni Ysay at sinabi ni Mito na mas magaling magluto si Ysay sa kanya).

Hindi niya ito tinanggap, uuwi na raw si Mito sa Pilipinas. Galit na galit si Mr. Flecther dahil nagpunta pa ito sa Pilipinas at i-dinelay pa niya ang pagbubukas ng restaurant niya dahil ankinig siya kay Mito…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 47”

  1. nawawala Says:

    di mo napansin yung “nescafe commercial” sa episode na ‘tO??? hehehe.. nag-good morning lang si lima tapos nagtimpla ng kape habang nakaharap yung NESCAFE na bote. tapos binigay ni lima kay albert yung kape at uminom, umamoy… at nag-ngitian. yun lang ang scene na yoN! bwehehhee… commercial na commercial.. kamot ako.

  2. ptvj Says:

    haha, napansin ko nga iyong scene na iyon kaso hindi ko nakita iyong bote ng kape (hindi ko kasi suot salamin ko, lol). langya napaka-irerelevant ng scene na iyon no? obvious na obvious na para lang sa sponsor nila. kagaya nung nagluluto si Ysay tapos may nilagay siyang seasoning ng maggi or knorr ata iyon…pang-commercial din.

  3. nawawala Says:

    oo nga!! heheheh!!! masyado!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: