Walang Kapalit, Episode 92

by

Pinuntahan ni Brian si Cynthia para sabihin sa kanya na gumawa naman ito ng kabutihan sa buhay niya. Gumawa raw muna ito ng mabuti bago siya magpkamatay, huwag na raw niyang ipantakot ito, sabi ni Brian.

Hinahanap ni Ernest si Victor. Nilibang na lang siya ni Melanie. Sinabi ni Ernest na huwag daw siyang iiwan ni Melanie. Naluha naman si Melanie sa sinabing ito ng anak niya.

Nasa kotse si Victor at luhaang inaalala noon una silang nagkita ni Cynthia, noong nag-attempt itong magbigti, noong magka-inlove-an sila, noong ikinasal sila, noong nalaman niyang mahal pa rin ni Cynthia si Noel, at noong huli niyang dinalaw si Cynthia at naroroon si Noel. Nagpakamatay si Victor. Tsk. Tsk.

Pinuntahan ni Brian si Noel (habang binabasahan ni Melanie si Ernest). Ibinalita ni Brian na nahulog sa bangin ang sasakyan ni Victor at patay na ito. Nabigla si Noel at tinanong niya kung sinabi na ni Brian kay Cynthia. Hindi pa pala sinasabi ni Brian.

Pinuntahan ni Brian si Cynthia sa kulungan para ibalita ang pagkamatay ng asawa niya. Nabigla si Cynthia, pero hindi niya ipinakita sa kapatid. Siya ang sinisisi Brian sa pagmakatay ni Victor.

Hinahanap ni Melanie si Noel. Ayaw sabihin nina Ceding at Moody kung nasaan si Noel. Sinabi na rin ni Ceding kay Melanie ang pagkamatay ni Victor. Nagpunta pala si Noel sa cremation ni Victor. Hindi na sana nila gustong ipaalam pa kay Melanie dahil masyado na itong maraming problema.

Si Cynthia naman tawa-iyak ang ginagawa sa kulungan.

Sa cremation ni Victor, sinabi ni Brian na nasayang lang ang buhay nito dahil sa kapatid niya. Buti pa raw si Victor, tapos na ang problema niya samantalang siya problemado pa rin. May choice daw siya, sabi ni Brian. Wala daw siyang choice, sagot nito.

Masyang naglalaro sina Moody, Melanie, at Ernest.

Sinabi ni Noel kay Cynthia na nacremate na si Victor. Una-una lang daw iyan, sabi ni Cynthia. Sinumbatan ni Noel si Cynthia, wala raw ba siyang konsensiya?

Trauma daw ang dahilan, ayon sa psychologist, ang pagkakasakit ni Ernest. Mukhang nag-i-improve naman daw si Ernest dahil masaya ito.

Binisita ni Brian si Ernest at bini-build up ni Brian si Melanie sa kanya. Nagpathank you at nag-I love you naman si Ernest kay Melanie. Anlaki ng pasalamat ni Melanie kay Brian. Napag-usapan nila ang pagkamatay ni Victor.

Sinabi ni Brian na pagtulung-tulungan na lang daw nila si Ernest.

Nalaman ni Cynthia from Noel na nasa ospital si Ernest. Sinabi ni Noel ang mga dapat sabihin ni Cynthia kay Ernest. Nagalit si Cynthia, bakit daw siya tinuturuan nito.

Nakikipaglaro nina Ceding at Moody si Ernest.

Sinabi ni Noel na pumayag na si Cynthia na makipagkita siya kay Ernest. Sabi ni Ceding hinahanap na rin ni Ernest si Victor. Huwag na raw muna nilang sabihin kay Ernest na wala na si Victor…

7 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 92”

  1. nawawala Says:

    ano bang klaseng hirit yon no? yung sabi ni noel “buti pa si victor tapos na problema nya!” parang napaka-inappropriate! ewan.

    waaaahh!! nalungkot ako sa pagkamatay ni victor!! kawawa naman sya!!! =( si noel at melanie ang may kasalanan ng lahat! kung sana hindi nila ginawang panakip-butas/rebound si cynthia at ronald eh di sana walang nangyareng ganyan! at sana wala na ring istorya. bwehehehe….

    sabi ng asawa ko dapat daw ang naging pamagat nito ay “Problema”! heheehe!!

  2. ptvj Says:

    ikaw ang naiisip ko nung tina-type ko yung part na namatay si victor.

    oo nga kasalanan nina melanie at noel yan, mas lalo na si melanie dahil siya ang nauna…bwahaha…hindi ko lang masisi si piolo. nyehehehe…

    sobrang dami ng problema ng soap opera na to, parang may ADHD iyong gumawa ng istorya😉

  3. yaj Says:

    dapat ang pamagat nito walang kuwenta, sila noel at melanie ang may kasalanan ng lahat sila rin ang gumawa ng mga problema nila…. hindi ko din maintindihan kung bakit pinipilit nila ang isang 4 years old na bata, na maintindihan lahat…walang kuwenta ang writer nito……nakakulong na nga si cynthia siya pa din ang nagpapagalaw sa kanilang lahat….so stupid ….

  4. ptvj Says:

    nawawalan na nga rin ako ng ganang manood dahil antanga-tanga ng mga characters nila…

  5. nawawala Says:

    buti na nga lang at matatapos na ‘to sa friday!!! hehehe…. mga bwiset sila… hehe..

    natatawa lang ako kay piolo pag hinihimas-himas sya ni cynthia.. hehe!!

    ang galing talaga umarte ni piolo at jodi dito!

  6. emotinalme Says:

    good job jodie, your the best, ang galing ng papel mo, dahil sa maraming naiinis sa iyo, doon mo nakikita kung gaano ka kagaling sa pag-arte. keep up the good work.

  7. ptvj Says:

    ang galing ngang umarte ni jodi, lalo na yung tawa-iyak moment niya sa kulungan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: