Natutulog ba Ang Diyos? Episode 29

by

Tinanong ni Patria kung ano ang ginagawa ni Karla sa bahay nila. Dito na nalaman ni Patria na nabaril si Mike. Ikinuwento ni Karla ang nangyari. Umiyak si Patria noong narealize niyang may kinalaman si Bernardo sa mga pangyayari (dahil nga di ba sinabi niya sa lat episode na malapit ng matpuad ang mga pangarap ni Patria).

Out of danger na raw si Mike, sabi ng doktor.

Nag-aalala si Gillian kay Mike. Sinuggest ni Karla na makibalita sila kay Andrew. Ayaw ni Gillian dahil galit siya kay Andrew. Sinabi na ni Karla na si Andrew ang nagbayad ng P25,000.00 para lang makalabas si Gillian sa club dahil concern nga ito sa kanya.

Kausap na ng pulis sina Rose at Andrew. Tinanong pulis kung sino pa ang kasama ni Mike. Biglang umalis si Bernardo, kaya hindi siya nakausap ng mga pulis.

Humingi ng tawad si Mike kay Rose noong makausap niya ito. Sinabi ni Rose na sinabi na lahat ni Andrew sa kanya. Sinabi na rin ni Mike na si Patria ang babae sa picture. Sakto namang sinabi ng nurse na kailangan ng magpahinga ni Mike. Luhaang umalis si Rose.

Bati na sina Gillian at Andrew. Nagyakap pa sila. Awwww…

Habang magkayakap sila, nakita ni Andrew ang mommy niya na nagmamanehong umalis.

Pinag-e-empake na ni Bernardo ang mga anak niya. Ayaw umalis ni Patria, sinabi nitong hindi sila aalis. Bakit daw sino ang ayaw nitong iwan, sabi ni Bernardo.

Sinabi ni Andrew na baka palayasin nina Mike sina Gillian. Humingi ito ng sorry kay Gillian dahil wala siyang magawa. Umalis si Gillian.

Kinukuha ni Bernardo ang parte niya sa P5 M sa mga kasbwat niya. Pinagbu-bugbog lang siya ng mga ito.

Sinampal ni Rose si Patria…hindi lang once, twice pa. Pinalayas niya ang mga ito.

Hinabilin ni Rose kay Betang(?), another katulong, at sinabi niyang hindi na makakatuntong ang pamilya ni Patria sa barkada niya.

Hindi raw magsasampa ng demanda si Mike.

Nakita ni Bernardo ang pamilya niya, minus Gillian, sa labas ng gate nina Rose. Ayaw umalis ni Patria at panay ang sambit niya sa pangalan ni Andrew.

Si Gillian na ang humingi ng tawad kay Mike at nakikiusap ito na huwag na muna silang palayasin dahil may sakit pa si Patri at ang babata pa ng mga kapatid niya, tapos mawawalan pa ng trabaho ang tatay niya. Sinabi ni Mike na napamahal na si Gillian sa kanya pero mahal niya ang pamlya niya at ayaw niya itong masaktan. Umiiyak na niyakap ni Gillian si Mike.

Naabutan ni Andrew na umiiyak sa bahay nila si Rose. Bakit daw biglang nawala si Bernardo, sigurado daw na may kinalaman ito. Ang sabi ni Andrew, ayon daw kay Mike, walang kinalaman si Bernardo. Sinabi ni Andrew na walang relasyon sina Mike at Patria.

Nakahanap na ng bahay sina Bernardo sa tulong ng kaibigan nito. Barung-barong ito at wala silang kagamit-gamit. Pati mga damit nila, nasa bahay pa.

Tinanong ni Minerva sa tauhan niya kung sino sa palagay niya ang nagtraydor sa kanya. Sinabi nito na si Mike, dahil mabait daw si Bernardo. Ayaw pa ring tumigil ni Minerva kahit ayaw ng sumalli ng mga tauhan niya sa kanya. Umalis na ang mga ito at ibinigay nito ang baril kay Minvera.

Inihabilin ni Rose na alisin lahat ang gamit ng pamilya ni Bernardo. Papaalis na sina Andrew at Rose at hinarang sila ng kotse ni Minvera.

Tinutukan niya ng baril si Rose at pinatali niya ito kay Andrew…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: