Margarita, Episode 22

by

Habang kumakain sina Jessica, Robert, Bernard at Gelly, ipinagmamayabang ni Jessica ang mga plaques na natanggap ni Robert. Comes election day daw next year, mabango na ang pangalan ni Robert. Tahimik lang si Bernard, kaya tinanong siya ni Jessica kung hindi raw ba ito natutuwa para kay Robert. Sinabi ni Bernard na pagod lang siya.

Sa club, naunang sumayaw si Amanda na sinundan naman ni Margarita. Mas maraming pumapalakpak kay Margarita, kaya nainggit si Amanda.

Pinatulog ni Bernard si Gelly (Tito Sweetheart ang tawag niya kay Bernard). Sana raw may kapatid siya para siya may kalaro. Ikinuwento ni Gelly ang kaklase niyang si Lana. Nalaman nito na ampon lang siya, buti na lang daw siya may totoong mommy at daddy.

Malaki ang kinita ni Margarita. Narinig ni Amanda na sinabi ng amo nila na kung dadami ang customers ni Margarita, lalakihan pa nito ang sweldo niya.

Inabangan siya ni Amanda sa labas ng club. Hinila niya si Margarita at akmang sasampalin ni Amanda si Margarita. Pero itinulak siya ni Margarita at sinabing mabait siya pero marunong siyang lumaban.

Ipinakita ni Rodrigo ang confession tape ni Scarface kina Ramon at Bernard. Sinabi ni Scarface sa video tape na walang ibang nag-utos sa kanya dahil siya ang nasusunod sa grupo nila. Hindi niya sinabi kung saan niya nakuha ang tape.

Kailangan ni Margarita ng malaking pera kung gusto niyang mag-invest para sa pagko-kolehiyo ng mga kapatid niya. Ayaw na sanang mag-college pa ni Robbie dahil masyadong magastos, pero sinabi ni Margarita na importanteng mag-college din si Robbie para matulungan niya si Margarita sa pagpapaaral kay Gabby. Sinabi ni Robbie na buti na lang daw at maganda ang trabaho niya at makakapag-ipon siya ng malaking halaga.

Ipinakita ni Bernard kay Rodrigo ang bangkay ni Scarface. Sarado na raw ang kaso, sabi ni Ramon. Nagdududa naman si Rodrigo dahil pagkatapos nitong mag-confess sa pagkakabaril ni Carding, bigla na lang itong namatay. Nagtalo sina Rodrigo at Carding. Sarado na raw ang kaso sabi ni Ramon. Nagalit si Ramon kay Bernard dahil ayaw din siyang tantanan nito tungkol sa pag-iimbestiga nito sa kaso ni Carding.

Sinabi ni Rodrigo na hindi na siya babalik sa Academy dahil kailangan niya ng pera at saka hindi niya masusubaybayan ang kaso kung lalayo siya. Binigyan siya ng pera ni Margarita. Sinabi niya na manager na siya sa restaurant. Ayaw tanggapin ni Rodrigo pero pinaalala ni Margarita na noong may cancer ang nanay niya, ibinigay ni Rodrigo ang mga naipon niya at tinawag niyang gago si Margarita dahil may cancer na nga ang nanay niya, pride pa rin ang pinapairal niya. Kung gusto daw niya, bayaran na lang nito kapag nagkapera na siya. Tinanggap rin ni Rodrigo ang pera at nagyakap sila.

Habang sumasayaw si Margarita, sumingit si Amanda. Nakipag-show down naman si Margarita, kaya lang hindi na siya nakipagsabayan noong nag-topless si Amanda…

2 Tugon to “Margarita, Episode 22”

  1. nawawala Says:

    off-topic: ano masasabi mo sa willie vs. joey de leon? wowowee??

  2. ptvj Says:

    ayan, gumawa ako ng entry. nakasakit ng ulo ang dalawang yan, naku…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: