Ysabella, Episode 46

by

Kumawala si Ysay kay Albert. Tinanong ni Andrew kung ano pa ang kailangan niyang gawin para tanggapin ni Ysay ang offer niya. Lumuhod si Andrew at nagmakaawa ito kay Ysay. Umalis si Ysay, hinabol siya ni Albert. Expect daw kasi ni Ysay na si “Andrew” ang unang susuporta gagawin niya dahil alam nito ang mga pangarap niya. Nagdrama na naman si Albert.

Umalis si Lima sa bahay nila at sinabi niya kay Oslo na pupunta sila sa farm para makalayo sa bahay nila.

Sinabi ni Albert kay Burdoy na ayaw pumayag ni Ysay sa offer ni Albert.

Masayang bumangon si Ysay at nagpunta sa balkonahe para tignan ang kabuuan ng farm.

Pinuntahan ni Albert si Ysay habang pinapakain niya ang isa sa mga baboy sa farm. Noong sinabi ni Ysay na puntahan nila si Butchik, hindi alam ni Albert kung sino s Butchik. Sakto naman na dumating si Burdoy, kasama ang isang lalake na naniningil kay Albert dahil ilang buwan na raw silang hindi nagbabayad sa kanila. Pinalitaw nina Albert at Burdoy na tinakbuhan si “Andrew” ng kapartner niya sa farm.

Nagdrama na si Albert sinabi niyang itinayo niya ang farm para makalayo sa mommy niya pero itinakwil lang daw siya ni Victoria at sinabing gagapang din ito pabalik sa kanya. Buti na lang daw hindi tinanggap ni Ysay ang offer nito sa kanya dahil wala naman pala daw siyang ma-i-o-offer.

Nalulungkot si Ysay, gusto niyang tulungan si “Andrew.” Pero sinabi ni Trining na maganda ang tumutulong sa ibang tao pero huwag daw nitong kakalimutan ang sarili niya. Kinalimutan na raw niya dati ang pangarap niya para kay Mito, gagawin na naman ba raw niya iyon for “Andrew?”

Sinabi ni Burdoy na sumusunod siya sa gusto ni Albert dahil malaki ang utang na loob nito sa pamilya ni Albert pero nakukonsensiya na raw siya. Paano raw kung malaman na nina Ysay ang totoo? Kaya nga raw sa farm niya ginagawa para walang makakilala sa kanya.

Nakatanggap ng tawag si Albert at nalamang hindi pumasok si Lima sa opisina. Tinawagan ni Albert si Lima at nalaman niyang papunta ito sa farm. Dumating si Ysay at sinabi niyang paano raw kung hindi na lang siya umalis at tulungan na lang niya ito sa farm. (Hay naku Ysay, ipagpapalit mo na naman ang pangarap mo para sa isang lalaki).

Sinabi ni Albert na ayaw naman niyang pumayag lang si Ysay dahil naawa lang ito sa kanya. Pumunta na lang daw ito sa America at tuparin ang mga pangarap niya. Masaya daw ito para sa kanya. Habang nagdadrama siya, tumawag ulit si Lima sa kanya pero hindi sinasagot ni Andrew ang phone. Sabi niya kay Ysay, siguradong ang banko daw iyon at naniningil.

Tinawagan ni Ysay si Mr. Fletcher. Dumating na raw ang visa at plane ticket ni Ysay.

Pinaabang ni Albert sina Lima kay Burdoy sa kabilang barrio dahil ba raw mabuking siya. Dumating si Trining, gusto raw niyang makausap si “Andrew.”

Habang “kausap” ni Ysay si Butchik, naisip niya ang mga naitulong ni “Andrew” sa kanya pati na ang mga problemang kinakaharap nito ngayon. Wala raw ba siyang kwentang tao kung iiwan niya si “Andrew” sa gitna ng mga problema niya?

Sinabi ni Trining kay Albert na mahina si Ysay “pagdating sa dibdib” (what the hell does that mean?), pero gusto daw niyang matupad ni Ysay ang pangarap niya. Sana raw kung nagdesisyon si Ysay na magpa-iwan, si “Andrew” na mismo ang tumanggi. Sana huwag na raw muna ngayon, hayaan na lang muna niyang maghiwalay sila.

Hindi pinansin ni Oslo at Lima ang pumaparang si Burdoy. Tinawagan ni Burdoy si Albert para sabihin ang nangyari. Umalis na sina Ysay. Sinabi ni Albert kay Burdoy na sisiguraduhin niyang hindi makakaalis ng bansa si Ysay at babalik ito sa kanya.

Nakalimutan ni Trining ang damit niya so kinailangan nilang bumalik. Noon umuurong ang van, bumaba si Reno para i-guide iyong driver (lol, hindi marunong umurong iyong driver na mag-isa?) . Dumaan ang sinasakyan ni Lima (napatitig si Reno sa kanya — siguro kilala niya si Lima), nakita siya nina Ysay at Trining…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: