Walang Kapalit, Episode 91

by

Sinabi ni Moody kay Vanessa na parang nakipagkasundo na rin sina Melanie sa demonyo sa pakikipag-usap nito kay Cynthia.

Ayaw na raw makialam ni Brian dahil sagad na raw siya. Si Cynthia na lang daw ang asikasuhin niya sabi ni Diane, dahil siya ang puno’t dulo ng kaguluhang ito.

Pnapalakas na naman ni Ceding ang pinanghihinaang loob na si Noel.

Nagising si Melanie na wala si Ernest sa tabi niya at narinig niya itong umiiyak (anong klaseng Yaya siya, hindi man lang siya nagising noong bumangon si Ernest). Nakita niyang sinasabihan ni Victor si Ernest na si Melanie ang tunay niyang nanay ng paulit-ulit. Aalis na raw siya sabi niya kay Melanie. Hinabol siya ni Melanie, hindi pa raw malapit ang loob ni Ernest sa kanyaπŸ™„ , etc. etc. Sabi ni Victor puro na lang sila ang iniintindi niya, this time sarili naman niya ang aasikasuhin niya. (Tama ka diyan!)

Pinuntahan ni Noel si Cynthia. She expects care…attention…daw. Alam daw niyang darating din ang panahon na mamahalin siya ni Noel. Pupuntahan daw siya ni Noel araw-araw, magigiging mabait si Noel sa kanya, at kapag humingi daw ng conjugal visit si Cynthia, magsisiping daw sila –her exact words.πŸ˜† +πŸ™„

Pinuntahan nina Ceding at Moody si Melanie sa bahay nina Victor (sino na pala ang tatao doon?). Nalaman na ni Melanie na pinuntahan na ni Noel si Cynthia. Natahimik siya, sinabi naman ni Ceding na siya (Melanie) ang may gusto noon. Idinagdag pa niya na tao lang siya Noel huwag daw niyang itutulak si Noel masyado.

Nagpunta si Victor sa kulungan habang naroroon si Noel. Sinabi ni Victor na sana aso na lang ang inaalagaan niya, at least magiging loyal daw ito.

Mataas ang lagnat ni Ernest, dinala sila sa ospital.

Humingi ng tulong si Noel kay Brian pero sinabi nitong ayaw na niyang makita si Cynthia. Ayan, sumabog na si Noel, sinabi niya na lahat lahat ng pinaggagawa ni Cynthia at lahat ng mga sakripisyo nila. Ang gusto lang naman niya ay kausapin ni Brian si Ernest. Nakikinig si Diane.

Psychological daw ang dahilan ng lagnat ni Ernest. Makipag-usap daw sila sa isang child psychologist dahil baka lumala ito at dalhin pa nito sa pagtanda niya.

Tumawag si Ceding kay Noel at pinapapunta siya ni Ceding sa ospital. Ang sabi niya “Yaya, bakit?”

NOEL, NANAY MO NA SIYA, REMEMBER?πŸ˜†

Sinabi ni Cynthia sa mga kasama niya sa kukungan na tatakas siya.

Galit na si Diane kay Brian. Kapatid at kaibigan nga raw siya, pero ano raw ba ang tama doon? Tama raw si Noel, kilala silani Ernest, doon sila magsimula.

Nagpunta sa hospital room si Noel. Naroon si Melanie, pero hindi sila nag-usap.

Kinamumuhian na raw ni Noel ang sarili niya dahil ginagawa na niya ang mga bagay na ayaw niyang gawin. Huwag daw siyang magpapakain sa muhi at poot, sabi ni YAYA.πŸ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: