Natutulog ba Ang Diyos? Episode 28

by

Inaasikaso ni Gillian si Patria. Baka raw napapagod na si Gillian sa kakaasikaso sa kanya. Kahit kailan daw ay hinid siya mapapagod sa kakaalaga sa nanay niya. Malapit na raw ang pasukan, gusto raw ba ni Gillian na mag-aral?

Nakuha na ni Mike ang pera. Sinabi ni Bernardo na kung gusto nitong yumaman, kayang-kaya niyang itakbo ang pera. Napatingin si Mike sa kanya.

Sinabi ni Rose kay Andrew na busy si Mark dahil may commercial itong ginagawa. Laging palpak ai Mark. Ang sabi ni Trish, mamaya sa daw sa shoot, iyong taong mahal ni Mark ang isipin niyang kaharap niya, at hindi siya.

Nag-shooting na ulit sina Trish at Mark. Si Gillian ang inimagine ni Mark na kaharap niya.

Si Bernardo naman may kinontak na mga tao para manakaw niya ang pera.

Ayaw paalisin ni Rose si Mike, masyado na raw late. Pero sinabi ni Mike na pagkatiwalaan siya nito.

Sinabi ni Bernardo ang plano niya kay Patria. Gaganda na raw ang buhay niya. At babawiin na niya si Andrew. (Ano si Andrew, tuta?)

Sinabi ni Mike kay Andrew ang gagawin nito. Gusto ng tumawag ng pulis ni Andrew pero sinabi ni Mike na ayaw na lang niyang mabulilyaso ang plano nila. Para daw pagkatapos nito ay makahinga na sila ng maluwag.

Ipinababa ni Minerva sa tabi ng daan ang bag ng pera. Noong akmang kukunin na ng tauhan ni Minerva ang pera, binaril siya ng isa sa mga kasabwat ni Bernardo. Nagkaalitan ng putukan, nabaril si Mike.

Nalaman ni Rose from Emma na wala si Mike sa opisina. Napaamin ni Rose si Andrew kung saan ito pupunta. Nagalit si Rose bakit daw hindi sinabi ito sa kanya ni Mike. Tinawagan ni Bernardo si Rose, at sinabing dadalhin niya sa ospital si Mike dahil nabaril ito. (Duh! Hindi na lang kaya niya muna dinala sa ospital si Mike bago siya nagtawag ng tao). Iyak ng iyak si Rose at sinabi niya kay Andrew na nabaril ang daddy niya. Nagyakap sila. (Geeeeeez! Go to the hospital at dun na kayo mag-iyakan!)

Nag-aalala na si Patria. Pinapunta niya si Gillian sa bahay nina Andrew para makibalita. Saktong papaalis na sina Rose noong dumating si Gillian. Sinabi ng isa sa mga katulong na nabaril si Mike at umalis na sila Rose. Dumating ang umiiyak na si Karla at sinabi niya kay Gillian na nakita niyang nabaril si Mike. Nalaman na ni Gillian na may nakaraan sina Mike at Patria kaya bina-black mail siya ni Minerva. Walang ibang mapupuntahan si Karla kaya sinabi ni Gillian na doon na muna siya. Ayaw man ni Karla dahil baka makilala siya ni Patria, wala siyang choice.

Nagpatawag ng mga imbestigador ang ospital.

Kailangang operahan si Mike, 50/50 ang chances ni Mike. Sinabi ni Andrew kay Bernardo na sana siya na lang ang nabaril. Umalis si Bernardo at sinabi niya sa sarili na sana nga siya na lang ang nabaril.

Sinabi ni Andrew na kaya lang nagawa ni Mike na magbayad kay Minerva ay para maprotektahan ito. May iba pa raw bang hindi nalalaman si Rose, tanong nito sa anak.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: