Margarita, Episode 21

by

Nadatnan ni Margarita na kinakausap ni Gabby ang Kuya Robbie niya at sinabing huwag nito silang iiwan. Nagdarasal ito at kinakausap ang Nanay at ang Tatay Gary nila. Sinisisi ni Gabby ang sarili dahil kung hindi sa kanya, hindi lumabas si Robbie.

Nag-uusap sina Bernard at Rodrigo tungkol kay Carding. Sinabi ni Rodrigo na si Bernard lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya.

Pumayag na si Margaritang sumayaw sa club. Sumayaw na nga siya. Maganda naman ang pagtanggap ng mga customers sa kanya. Bakit daw mukhang naiilang si Margarita sa pagsasayaw, tanong ng amo nila. Dati naman daw siyang nagsasayaw sa Japan. Sinabi ni Margarita na kasi wala namang nakakakilala sa kanya sa Japan. Sinabi ng amo nila na selling point ng club ang burlesque dancing, kaialngang pag-igihan pa ni Margarita ang pagsasayaw. Pero suportado naman siya ng boss niya, kailangan lang daw niyang ayusin ang pang-aakit sa mga customers niya through dancing.

Binabantayan ni Rodrigo si Carding. Sinabi nitong lumaban siya, kailangan pa siya nito.

May sumaksak kay Scarface na ikinamatay nito.

Nakalabas na si Robbie sa ospital.

Magkwentuhan naman daw sila sabi ni Robbie dahil mula noong dumating siya galing sa Japan puro problema na lang ang mga sumalubong sa kanya hindi ma lang nila ito nakakwentuhan. Nagsinungaling si Margarita at sinabing maganda ang mga naging karanasan niya sa Japan. Magtatrabaho na raw si Robbie paggaling niya, pero ayaw pumayag ni Margarita. Gusto niyang makatapos ng kolehiyo ang magkapatid.
Kinumusta ni Bernard kay Ramon ang kaso ni Carding. Wala raw lead. Sinabi ni Bernard na si Scarface daw ang susi para malaman kung sino ang nagpabaril kay Carding.

Binisita ni Margarita si Rodrigo at Carding sa ospital. Nanghihina na rin ang loob nito. Sinabi ni Rodrigo na baka hindi na siya bumalik sa Police Academy dahil siguradong makaligtas man ang tatay niya, siguradong malaki pa rin ang gagastusin nila. Kailangan niyang kumita ng pera. Pinuntahan sila ng doktor para ibalitang nagkamalay na si Carding. Baldado si Carding at hirap magsalita.

Ibinalita ni Margarita kay Didith ang sitwasyon ni Carding. Gusto daw niya itong tulungan. Ayaw niyang bitawan ni Rodrigo ang pangarap niya dahil mahal niya ito, kahit ayaw pa niyang makiparelasyon. Galingan daw niya ang kembot kung gusto niyang magkapera, sabi naman ni Didith. Tinuruan siya ni Didith na sumayaw.

Habang nagpapractice sila ni Didith, pinuntahan siya ni Amanda at pumalakpak ito sarcastically. Sinabi ng boss nila na dalawa na silang stars ng club at magloko pa ito (Amanda), may papalit na sa kanya.

Nagkita sina Rodrigo at si Eddie, ang long-time informer ni Carding. Sigurado daw si Rodrigo na hindi si Scarface ang may pakana ng ambush. Binigyan siya ni Ceddi ng isang tape. Makakatulong daw ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: