Walang Kapalit, Episode 90 — Updated

by

Sorry guys, late na to nagloloko kasi ang WordPress kagabi hindi ako makalog-in.

Namamalantsa si Ceding noong dumating si Noel. Tinanong niya kung gusto nitong kumain pero umiling lang si Noel. Kahit ano ang tinatanong niya wala lang itong kibo. Noong tinanong ni Ceding kung may nakalimutan daw ito.

Nakalimutan daw niyang magpasalamat kay Ceding at nakalimutan niya ang mga sakirpisyong ginawa nito para sa kanya.

Wala naman daw talaga itong balak sabihin sa kanya dahil masaya naman itong kasama niya at piangsisilbihan siya kahit na hindi siya ituring nito bilang ina. Naiyak na rin si Noel at tinawag niyang “Inay” si Ceding. (Awww, he’s so cute…langya nagdadrama na sila ang mukha parin ni Piolo ang iniintindi ko).

Nagyakap ang mag-ina…for the first time in 33 years, nagyakap sila bilang mag-ina.

DUmating sina Moody at Vanessa. Akala nila walang kibo si Ceding dahil malungkot ito at awang-awa sila dito. Pinaghahanda lang pala siya ng pagkain ni Noel. Hehehe. Masayang masaya namang pinapanood nina Vanessa at Moody ang mag-ina. Sinusubuan pa ni Noel si Ceding.

Samantalang si Victor, kinausap si Melanie at sinabing magpapakalayo daw muna ito. Aayusin na raw niya ang annulment nila ni Cynthia.

Habang natutulog si Ernest, humihingi ng tawad si Melanie sa anak dahil hindi daw niya ito naipagtanggol sa mga taong kumuha sa kanya. Pero ngayon daw hindi na sila maghihiwalay at gagawin daw niya ang lahat para mapalapit siya dito.

Nagbonding ang mag-inang Noel at Ceding: nagsimba, kumain sa labas, kumain ng banana-Q, etc.

Pag-uwi nila, niyakap ni Melanie si Ceding at sinabi niyang buti pa siya tapos na ang paghihirap niya. Sinabi ni Melanie kay Noel na nag-usap sila ni Cynthia. Atensiyon lang naman daw ang kailangan ni Cynthia. Ayaw pumayag ni Noel. Nag-away sila.

Mga tanga!!! Sabi na kasing give the kid time. Geez.🙄

Pinuntahan ni Diane si Cynthia, “busy” daw kasi si Brian. Huwag na raw niyang pagtakpan ang asawa niya, alam naman daw niyang galit sa kanya ang kapatid niya. Sinabi nitong wala ng magagawa pa si Brian dahil asawa na mismo ni Noel ang nagintrega sa kanya…

3 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 90 — Updated”

  1. nawawala Says:

    parang extra lang si miguel dito ‘no? ni hindi man lang sya sumama sa pagdalaw ni vanessa kila aling ceding eh si miguel yung kamag-anak ni ceding. ngek.

  2. nawawala Says:

    may pinakita nga pala sa preview na may sumabog na sasakyan! oh no!! baka si victor!! baka magpakamatay sya!!!!! =( NOOOOO!!!

  3. ptvj Says:

    oo nga bakit wala si miguel?!
    sa tingin ko si victor nga iyong mamamatay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: