Margarita, Episode 20

by

Dinalaw ni Bernard si Carding sa ospital. Nagkita sila doon ni Rodrigo, sinabi ni Bernard na lagi siyang ikinukwento ni Carding at ipinagmamalaki niya ito. Sinabi ni Bernard (Capt. Martinez), na isa ang tatay ni Rodrigo sa mga pinakamatinong pulis na nakilala niya. Hinihingi daw niya ang kaso ni Carding para siya mismo ang makapag-imbestiga sa pangyayari. Hindi daw papayag si Bernard na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkakabaril ni Carding, at sana raw magtiwala si Bernard sa kanya gaya ng pagtitiwala ni Carding kay Bernard.

Hindi raw titigil si Rodrigo sa pagpa-follow up sa kaso.

Natataranta na ang amo nina Margarita at Didith dahil hindi pa dumarating si Amanda (ang star dancer nila). Inalok niya si Margarita na sumayaw, pero ayaw ni Margarita kahit doble pa ang bayad.

Nagko-compute ng gastusin si Margarita. Nalungkot ito dahil gipit na gipit siya at wala man lang siyang maitulong kay Carding. Samantalang si Carding daw kahit gipit ito, tinutulungan sina Margarita.

Sinabi ni Bernard kay Rodrigo na hindi ibinigay sa grupo niya ang kaso. Sinabi ni Rodrigo na kay Bernard lang siya may tiwala. Ipinakilala ni Bernard kay Rodrigo ang mamumuno sa imbestigasyon sa pagkakabaril ni Carding, si Ramon Velasquez.

Habang nagpapaka-plastikan nakikipaglaro si Robert sa party ng mga bata, malungkot na nanonood si Gelly at tinanong niya si Jessica kung bakit wala raw siyang kapatid. Sana raw may kapatid siya.

Nakatakas na ulit sina Scarface sa kulungan. (Ano bang klaseng preso ito, bakit walang tao?)

Pagdating ni Amanda sa dressing room, tinanong niya si Margarita kung siya ang ipapalit sa kanya. Sinabi ni Margarita na hindi siya pumayag, binalaan niya ito at sinabing mahirap daw siyang kalaban.

Nagugutom si Gabby kaya nagpunta si Robbie sa tindahan. Nasundan siya ni Scarface at sinaksak niya si Robbie.

Tinamaan sa atay si Robbie at kailangan itong operahan sa lalong madaling panahon. Kung hindi, mamamatay daw ito.

Iyak ng iyak si Margarita, hindi na niya alam ang gagawin niya. Niyakap siya ni Rodrigo.

Eto walang dialogue: Pagbabantay nina Rodrigo at Margarita kay Carding, pagbabantay ni Gabby kay Robbie, pagtatrabaho ni Margarita (at nakikita niyang maraming pera kinikita ang mga kasama niya sa trabaho na nagpapa-table).

Nagdarasal sina Margarita at Rodrigo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: