Ysabella, Episode 44

by

Nagtagong bigla si Albert. Sinabi ni Burdoy na wala roon si Andrew. Well..technically speaking wala naman talaga si Andrew doon.

Si Lima, umiinom na naman ng Zest-o or Hi-C wine habang nag-iisip ng malalim.

Nakipag-break si Jordan sa girlfiend niya (dahil marami na raw siyang nagagastos dito😆 ). Sinabi ng mga kabarkada niya na nakita nila si Lima.

Binigyan ng despedida party (redundant ba iyon?) si Ysay ng mga kapitbahay at kaibigan nila. May nagpadala ng mga bulaklak kay Ysay. Iyong sentiments sa card: “Ysay, antagal kitang hinanap sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakaton.”

Ang plano ni Albert, paibigin si Ysay pagkatapos, saktan ito. Nag-alis na siya ng pomada at salamin, at ngumuya na siya ng bubble gum.

Nakita ni Jordan si Lima noong papalabas ito ng opisina pero hindi siya nagpakita.

Pilit iniisip nina Alex at Trining kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak kay Ysay. Baka raw galing ito kay Mito sabi ni Alex. Ang hula naman ni Trining, si Andrew. Habang nag-i-speculate sila, may dumating ng mga regalo para kay Ysay. Ang nakalagay, “Para kay `tol Alex” at “Para kay Tiyang Trinidad” Ang nakasulat sa card: “Ysay matagal ko ng hinihintay ang pagkakatong ito, pinaghandaan ko ang muli nating pagkikita. Bukas, may susundo sa inyo para sa muli nating paghaharap.” (Or something like that…)

Despite Ysay’s protest, binuksan na nina Alex at Trinin ang mga regalo nila. Gustong itapon ni Ysay ang mga ito, pero hindi naman niya nasaway ang mag-ina. Mga damit at mga tsokolate ang laman ng mga kahon. Binuksan ni Alex at Trining ang regalo para kay Ysay, isang white dress.

Sinabi ni Ysay na hindi raw sila pupunta.

Nalaman ni Albert na hindi sila pupunta.

Samantalang ang mag-nanay, sinukat ang mga damit nila. Sinabi nila kay Ysay na siguradong si Andrew ang nagbigay ng mga regalo at mga bulaklak. Baka gusto lang siya nitong i-surprise.

Tinitignan ni Lima ang mga listahan ng mga mag-o-OJT sa kumpanya nila. Nakita niya ang bio-data ni Jordan.

Habang hinahabol ni Ysay ang manok na titinolahin nila, nadapa siya at may nag-offer na kamay sa kanya: si “Andrew.”

Masayang sinalubong nina Ysay, Alex, at Trining si Albert. Nadulas si Albert at sinabi niyang alam niyang wala silang balak pumunta. Nagpalusot na lang ito at sinabing kung pupunta kasi sila, nakabihis na sila, by then. Ipinakilala nila si Reno (iyong binatang kasama nila) kay Andrew. Sinabi ni Ysay na masaya siya at nagpakita na si “Andrew” at hinawakan niya ang kamay ni Albert.

Nalaman ni Albert from Alex na pupunta na sa America si Ysay.

Papunta na sila sa farm ni “Andrew.” Noong makita ni Albert na suot ni Ysay ang damit ni binili niya para dito, nag-slow motion at nag-commercial…

Tinukso ni Alex si Albert dahil nakatitig lang ito kay Ysay.

Nakangiti lang si Albert noong tinanong ni Ysay kung bagay niya ang suot niyang damit.

Ang iniisip naman ni Andrew: “Ito na ang simula ng paghihirap mo, Ysabella Cuenca”

5 Tugon to “Ysabella, Episode 44”

  1. ranny Says:

    ang sama naman ni albert… sana si mito na lang… ano na nangyari kay georgia? si ethel booba nawala na din… sabi magiging part din si angelika dela cruz.. tagal hehehe

  2. helen castillo Says:

    nasan na c christian vasquez? dapat hindi namatay c andrew! ung corny na tuloy!

    pero in fairness bagay ke ryan ung contravida!!! kawawa naman c ysabella!!!

  3. helen castillo Says:

    nasan na c christian vasquez? dapat hindi namatay c andrew! ung corny na tuloy!

    pero in fairness bagay ke ryan ung contravida!!! kawawa naman c ysabella!!!

    pwede bang i-replay yung mga episodes na walang commercial pag saturday!!!

  4. nawawala Says:

    siguro yung binata yung spy ni albert… nainis ako kay ysay tungkol dun sa mga regalo.. para regalo lang ayaw pang ipa-bukas kila alex. KJ naman nya masyado! hehehe… tapos sinuot rin naman pala nya.. pupunta lang sa farm naka-dress pa. arte! heheheheheheehe!!!!! pakipot kay “andrew” na ewan.

  5. ptvj Says:

    ranny: oo nga biglang nawala si gerogia…i guess lilitaw din iyon pag lumitaw ulit si mito

    helen: sa tfc iyong kapamilya channel may marathon ang mga teleseryes every weekend

    nawawala: ay, oo nga no. baka siya ang anak ni burdoy. at saka ,oo nga (ulit), ang arte pa sa una, bubuksan din kasi😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: