Natutulog ba Ang Diyos? Episode 27

by

Naghi-hysterical na si Rose dahil sa panggugulo ni Minerva. Sinabi ni Andrew na paano naman sina Gillian kung aalis sina Patria sa bahay nila. Kung pwede raw sanang sa kanila na lang si Gillian sabi ni Rose.

Pinagalitan ni Emma si Mark dahil ayaw niyang sumali sa commercial ng kumpanya nila. Umalis si Mark para dalawin si Patria, hinabol siya ni Trish para sabihing gusto niya si Mark. And alam naman niyang he doesn’t feel the same way, so sana daw they can start again –as friends. Nakumbinse naman ni Trish si Mark, on the condition na kapag pinagtutulakan ni Emma si Mark kay Trish, si Trish mismo ang lalayo.

Nag-volunteer si Andrew na samahan si Gillian para sunduin si Patria. Kinumusta ni Gillian si Mark, at sinabi ni Andrew na hindi daw niya alam kasi parang siya na ang nagpapatakbo sa negosyo nila, tapos lagi pang kasama si Trish. Mukhang nagselos si Gillian.

May kausap na mga kalalakihan si Bernardo.

Nakauwi na si Patria. Sinalubong naman siya ni Rose, at pinaghanda pa siya ng paborito niyang pagkain.

Nakatanggap ng tawag si Rose mula sa bank, tungkol sa limang milyong piso gustong i-withdraw ni Mike. Sinita niya si Mike pero sinabi nito na nililipat lang niya ang pera para sa mas mataas na interes. Nagdududa pa rin si Rose.

Nag-usap sina Mike at Minerva. Sinabi ni Minerva na gustong makihati ni Bernardo sa pera. Siempre itinaggi naman ni Bernardo at ipinakita pa ang mga pasa niya sa pagtatanggol nito sa kanya.

Pinuntahan ni Gillian si Andrew sa kwarto niya para magpasalamat. Pagbukas niya ng kwarto nakita niya ang infamous stuffed toy. Nagalit si Gillian kay Andrew. Tinawag niya itong duwag, bakit daw hindi niya ito pinagtanggol noon.

Sana raw hinayaan ni Gillian si Andrew na magpaliwanag, ang sabi naman ni Boy. Kung ano man daw ang rason, hindi na tatanggapin ni Gillian ang mga paliwanag nito. Muntik na raw masira ang buhay niya dahil sa mga nangyari.

Sinabi na ni Bernardo kay Patria na pinapaalis na sila ni Mike. Ayaw mapalayo ni Patria kay Andrew. Sana raw hindi na siya pumayag na ipagpalit sina Gillian at Andrew.

Ayan nag-iyakan na sila…

Si Patria…ayaw niyang malayo kay Andrew.

Si Andrew…narealize niya na tama daw si Gillian.

Si Mike…sinunog ang picture nila ni Patria. (`Tangna naman e, hindi naman niya nasunog lahat e, kita pa rin mukha ni Patria).

Si Bernardo…sana raw siya na lang ang minahal ni Patria (Awwwwwww…)

Si Gillian umiiyak din.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: