Ysabella, Episode 43

by

Kinuha ni Albert ang mga gamit ni Andrew sa farm. Patuloy pa rin ang pagpapa-imbestiga nito kay Ysay. Maraming nanira kay Ysay, tinawag pa ngang malandi ito noong nagpatira sa kanilsa bahay nila sa Quezon City.

10 months later…

May karinderya na sina Ysay, kasama pa rin nila ang binatang tumulong sa kanila noong muntik na silang magholdap.

Nag-apply si Ysay sa isang restaurant.

Samantalang sa Amarillo household, in denial pa rin si Victoria sa pagkamatay ni Andrew. Andrew pa rin ang tawag niya kay Albert.

Sa restaurant na inaa-play-an niya, hindi napansin ni Ysay na picture doon ang nanay niya.

Nasa hapag kainan sina Lima, Victoria, at Albert. Nagwala na naman si Victoria at hingi ito ng hingi ng dispensa kay “Andrew” dahil hindi na raw siya marunong magluto. Sinabi ni Lima kay Albert na sana hindi na nila ito inuwi mula sa States dahil lagi baka lalo pang makasama ang paglalagi niya doon. Iyon daw ang nakakabuti kay Victoria ayon sa doktor, ang sabi naman ni Andrew.

Nag-umpisa ng magluto si Ysay.

Nag-usap sina Lima at Andrew. Natatakot daw kasi si Lima pag nagkakaganoon ang mommy nila kaya mas gusto pa niyang nasa opisina na lang siya. By the way, marketing manager na si Lima ng Victoria’s Corporation. Sinabi ni Andrew na she has to be strong, dahil may aasikasuhin lang siya sa farm — para kay Andrew.

Nagustuhan ng mga executives ng restaurant ang mga niluto ni Ysay. Pag-uwi niya, kunwari malungkot siya pero natanggap pala siya. Gagawin daw siyang novice chef sa America. Dadalhin daw siya sa America para doon papag-aralin. Nagsaya muna sila bago nila narealize na iiwan na sila ni Ysay.

Habang minamasdan ni Albert ang mga gamit ni Andrew sa kwarto niya, nakatanggap siya ng tawag at sinabi niyang “Kung ganon panahon na para magharap sila ni Ysabella Cuenca.”

Nag-usap sina Trining at Ysay. Sinabi ni Trining na mamimiss niya si Ysay. Nagyakap silang dalawa. Sinabi niyang may aasikasuhin daw muna siya bago siya umalis sa susunod na linggo — ang pangako nila ni Andrew. Hindi niya matutupad ang pangako niya dahil aalis na siya sa susunod na linggo, kaya kahit 10 buwan pa lang ang nakakalipas, pupuntahan na niya si Andrew.

Dumating na si Albert sa farm ni Andrew. Sinalubong siya ni Burdoy. Pinalitan na nila ang mga ibang tauhan doon, at si Burdoy lang ang nakakaalam na siya si Albert.

Si Mito pala ang nagrecommend kay Ysabell sa restaurant ni Mr. Fletcher.

Ipinakilala in Burdoy ang pinsan nitong si Tere kay Albert, pati na ang iba pa nilang mga katiwala sa bahay.

Binalikan ni Andrew ang wallet niya sa sasakyan.

DUmating si Ysay, nakausap niya sa gate si Burdoy. Narinig ni Albert na naroroon si Ysay.

Nagkita na sina Albert at Ysay…

5 Tugon to “Ysabella, Episode 43”

  1. nawawala Says:

    sabi na nga ba at kakambal ni andrew si albert eh! pero interesting ano? ano kayang mangyayare pag nagtagal? sakit naman non, kung sobrang tagal na saka pa lang malalaman ni ysay na patay na pala si andrew! shet!

  2. ptvj Says:

    ayoko na namatay si andrew, kasi siya ang kasama nina Ysay sa hirap na dinanas nila. parang siya nung nagsaing, si Albert ang kumain…😆

  3. ranny Says:

    wala pa bang episode 44 recap?

  4. ptvj Says:

    ranny: ayun meron na (sabay turo sa taas😉 )

  5. nawawala Says:

    ayoko ring namatay si andrew eh!! waaaahh..!! kaso wala na tayong magagawa… ano na kayang mangyayare? kay mito na lang ulet! hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: