Walang Kapalit, Episode 88

by

Ayaw pumayag ni Noel sa balak ni Melanie. Marami raw ibang paraan para mapalapit ang loob ng anak nila sa kanya. At the end si Melanie pa rin ang nasunod.

Ibinalita ni Vanessa kay Elaine ang problema nina Noel at Melanie. Awang-awa si Vanessa sa kanila. And again, ikinumpara na naman ni Elaine ang pangyayari sa isang telseryeng napanood niya.

Naawa daw si Ceding kay Melanie dahil alam niyang napakahirap ng gagawin niya. Ang sabi naman ni Moody, mahirap pero hindi ba’t kinaya naman niya? Mas maswerte naman daw si Ceding kay Melanie dahil siya may choice na sabihin ito kay Noel. Ang sabi naman ni Ceding, hindi naman daw niya tiyak kung paano magrereact si Noel kung malaman niyang siya ang tunay nitong ina.

Kinausap ni Melanie si Brian, may ipapakiusap daw ito.

Nagpunta sina Brian at Melanie kina Victor. Nakikiusap si Melanie kay Victor. (Mukhang naawa naman si Victor kay Melanie).

Hindi naman mapalagay si Noel sa paghihintay kay Melanie. Kung hindi daw siya mapalagay at matahimik, mamasukan na rin daw siya kina Victor, sabi naman ni Moody😆 .

Ipinakilala ni Victor si Melanie kay Ernest bilang bago nitong yaya (anong mangyayari sa dating yaya ni Ernest?), umiiyak na niyakap ni Melanie si Ernest.

Ayan, inaalagaan na ni Melanie si Ernest. (Pwede naman niyang gawin iyon without posing as his yaya, geez🙄 ).

Nagpasalamat si Melanie kay Victor.

Sinundo ni Noel si Melanie pero ayaw nitong sumama. Sinuggest naman ni Victor na pwede ring mag-stay si Noel doon para sama sama na silang tatlo. Iyon lang daw ang pwede niyang gawin para man lang makabawi sa mga ginawa ni Cynthia. Pero mas maganda pa ring si Cynthia ang kumausap kay Ernest.

Pinuntahan ni Noel si Cynthia sa kulungan (mukha naman siyang friendly with her kakosa). Alam ni Cynthia ang reason kung bakit pinuntahan siya ni Noel. Pumayag si Cynthia, pero si Noel ang kapalit. Dadalawin daw niya ito araw araw kagaya ng pagdalaw niya kay Melanie noong nasa kulungan ito. Umalis lang si Noel.

Sinabi ni Noel ito kay Melanie. Nag-away sila dahil sang-ayon si Melanie sa plano ni Cynthia. Nagsasakripisyo daw siya, kaya sana naman daw pati siya (si Noel) magsakripisyo rin.

Ang sabi ni Victor, sana naman raw pag naayos na ang problema nilang mag-ina maayos na rin ang relasyon nilang mag-asawa. Hindi daw kasi magets ni Melanie kung bakit ayaw pumayag ni Noel. Sinabi ni Melanie ang hinihingi ni Cynthia.

Kausap ni Noel si Brian. Sinabi ni Noel na masyado ng matagal ang pinaghihintay nila.

Nakatulog si Ernest sa bahay nina Melanie.

Narinig ni Noel mula sa usapan nina Ceding at Melanie na si Ceding ang tunay nitong ina…

Ha? Sabi ng voice over sa TV, huling dalawang linggo? Pwede ng matapos sa Biernes nito, nawawalan na ng saysay ang istorya.

10 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 88”

  1. ML Says:

    Thanks for the blog! Hinahanap ko pa naman sa You Tube para mapanood ko yung pagkulong kay Cynthia but it wasn’t ther.

  2. nawawala Says:

    uhhhmmm.. mukhang si melanie naman ngayon ang nagkakasayad… ang laki nga naman ng expectations nya kay noel at inaasahan nyang pumayag si noel sa gusto ni cynthia! labo! parang sira! masisisi mo ba naman si noel kung ayaw nya?!??! siguro naman may iba pang paraan no!
    tapos ayaw pang umuwi eh pwede naman syang ihatid ng madaling araw man lang. kawawa naman yung asawa nya. asawa rin sya no! hindi lang ina. tsaka tagal ba namang hinintay ni noel na makatabi si melanie tapos ayaw pa! hmp. wawa naman si noel. pero ang pinaka-kawawa sa tingin ko eh si victor😦 aaaawwww… ako na lang magmamahal sa kanya. hehe.

  3. ascura6 Says:

    walang kapalit piolo claudine part 87

  4. ascura6 Says:

    can i watch walang kapalit piolo claudine

  5. ascura6 Says:

    paano ko ba mapa nood ito ang hirap naman hanapin dapat sa ompisa pa lang andon na lahat

  6. ptvj Says:

    ML and ascura: aling episodes ang gusto niyong mapanood? email niyo ako pinoytvjunkie@yahoo.ca i’ll send you the links nung mga episodes na nakikita ko sa tabi-tabi😉 .

  7. ptvj Says:

    nawawala: lagi na lang kawawa si victor sa mga roles niya. at saka oo nga, baka hindi pa sila nag, um, nagtabing matulog sina noel at melanie.

  8. loves Says:

    gusto na namin yong episode 90. dahil sabik na sabik na kaming malaman kung ano talaga ang ending ng walang kapalit.dahil kami’y nalilito na.

  9. loves Says:

    naghihintay talaga ako sa reply within this day

  10. ptvj Says:

    loves: wala pa iyong episode 90 sa mga “sources” ko e hehehe. mamaya pa sa tfc iyun. may trabaho pa naman ako mamaya…istorbo kasi sa pagbablog ang trabaho.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: