Natutulog ba Ang Diyos? Episode 26

by

Sinabi ni Gillian kay Bernardo na maghapong walang kibo si Patria. Kinausap siya ng sarilinan ni Bernardo. Gusto na raw nitong umuwi. Tinanong siya ni Bernardo kung gusto niyang magbakasyon, pag-uwi daw niya ay didiretso na sila sa ospital. Ayaw iwan ni Patria si Andrew. Hindi raw siya sasama unless kasama niya si Andrew. (As if naman na sasama sa iyo `yun.)

Emma naman si still kissing Mr. Crisostomo and Trish’s behinds.

Siniguro ni Karla kay Andrew na walang kinalaman si Patria sa pangba-black mail sa mommy niya.

Sinabi ni Andrew na siya ang umpisa ng lahat ng kaguluhang nangyayari dahil sa isang stuffed toy. Ayaw niyang sabihin kay Gillian dahil baka magalit siya dito. Narealize niyang tama ang daddy niya na minsan kailangan mong magsinungaling para lang hindi masaktan ang ibang tao. Tinanong ni Karla kung may feelings ba si Andrew kay Gillian. Tumango naman si Andrew…

Awwwwwwwwwwww…

Singkwenta mil ang ibinigay ni Mike kay Bernardo. Naisip niya na mas kailangan niya ng malaking halaga para magbagong buhay.

Nakiusap si Bernardo kay Andrew na bisitahin niya si Patria. Ayaw nito dahil pumunta lang daw siya sa ospital para kay Gillian. Bakit raw ba galit na galit si Andrew sa kanila parang mga pangalawang magulang na niya ang mga ito dahil bata pa siya kasama na niya ang mga ito. Sagot naman ni Andrew, sila ang dahilan ng mga kaguluhang nangyayari sa pamilya niya. Nainsulto si Bernardo noong inimply ni Andrew kung hindi dahil sa daddy niya, walang mangyayari sa kanila.

Umalis si Bernardo at pinuntahan niya si Minerva. Sinabi niya dito na kinumbinse niya si Mike na huwag magsumbong sa pulis at hinihingi iya ang kalahati ng P5 M kay Minerva or else siya raw ang magsusumbong sa pulis. Tinutukan siya ng baril ng tauhan ni Minerva. Binugbog siya at hinila papalabas.

Nagdarasal si Patria, humihingi ng tawad at nagpapasalamat sa pangalawang buhay na ibinigay
sa kanya.

Si Andrew naman, nag-e-emote habang tinititigan ang stuffed toy na ibibigay sana niya ka Gillian
dati. Naalala niya ang mga pangyayari na naging sanhi ng paglilihim niya (na sa kanya galing ang
stuffed toy).

Inaayos na ni Mike ang mga perang pambayad niya kay Minerva. Naalala niya noong pag-uwi nila sa honeymoon ni Rose, kasal na sina Bernardo at Patria. Bubukod din daw sila pag naglaon, pero doon na sila pinatira ni Rose.

Naglilinis si Tina, nakita niya ang mga pera ni Bernardo sa may altar. Kinuha niya ang sobreng kinalalagyan ng pera at itinago niya ito. Siya namang pagdating ni Bernardo at puno na naman ito ng mga pasa sa mukha. Sinampal ni Bernardo si Tina noong nalaman niyang nawawala ang mga pera niya. Isinoli ni Tina ang pera.

Nakiusap si Andrew na huwag ng paalisin ni Mike sina Gillian. Naawa daw kasi siya kay Gillian at sa mga kapatid niya dahil wala naman silang mga kasalanan. Paano daw kung gawan na naman ng mali si Gillian ng mga magulang niya? Pero he made up his mind daw, sabi naman ni Mike.
Nalaman ni Bernardo na gagamitin ni Tina ang pera sa paglalayas niya dahil puro na lang problema ang nangyayari sa kanila. Umiiyak na niyakap ni Bernardo si Tina at sinabi niyang aayusin niya ang lahat at magbabago rin ang buhay nila.

Tumawag si Minerva at si Rose ang sumagot sa phone. Nagalit si Rose kay Mike dahil dapat magsumbong na raw siya sa pulis. Sinabi ni Mike na aayusin niya ang lahat, nagwalk-out lang si Rose.

Lalabas na si Patria sa ospital. Sinabi ni Gillian na kakayanin nila ito at hwuag siyang mag-aalala dahil makakalakad na siyang muli. Tahimik na lumuha si Patria…

Isang Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 26”

  1. nawawala Says:

    tanga naman kasi eh! ba’t ayaw pa isumbong sa pulis! pwede pa rin namang ilihim kung sino yung nasa picture ah! ewan sa kanila!

    hehe. hayblad na naman ako.. naiinis kasi ako sa pagmumukha ni minerva eh! lalo na yung pagbuga nya ng usok ng yosi! hmp!

    haha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: