Margarita, Episode 18

by

Sinabi ni Gabby na nasa panganib si Robbie dahil kasama niya ang mga carnappers. Hindi niya maalala kung saang bodega sila nagtatago, pero inilarawan niya ang mga lugar sa paligid nito.

Dali-daling umalis si Carding para iligtas si Robbie.

Magnanakaw ulit ng kotse ang grupo ni Robbie. Habang binubuksan nila ang isa sa mga kotse, dumating na rin sina Bernard. Nakatakas sila at naghabulan sila. Habang hinahabol nila ang grupo ni Scarface, nakatanggap ng tawag si Bernard galing kay Carding.

Nagtago sila sa bodega at habang inaalam ni Scarface kung sino ang nagsumbong sa kanila, dumating sina Carding. Nahuli na ang pangkat nina Scarface. Sinabi ni Robbie na siya ang nagsumbong sa NBI kaya hindi na siya hinuli pero nangako si Scarface na gaganti siya dito.

Nagkita-kita ulit ang magkakapatid sa ospital.

Galit na ang kasabwat ni Ramon (na may hawak sa grupo nina Scarface) dahil malaking pera ang mawawala sa kanya. Sinabi ni Ramon na malabong makalaya ulit ang mga tauhan niya dahil pinalaki ang kaso nila.

Pinuntahan at nagdala ng pagkain sina Didith, Margarita, Robbie, at Gabby para kina Carding at Rodrigo. Next week daw pupunta sila sa Tagaytay para magkaroon ng picnic, sa isang linggo kapag bakasyon na ni Rodrigo sa Police cademy. Hindi raw makakasama si Margarita dahil may trabaho siya as waitress sa Maynila.

Pumunta sina Margarita, Robbie, at Gabby sa puntod nina Adora at Gary.Hindi raw sila susuko para matupad ang mga pangarap nila, magtatapos daw sila ng pag-aaral. Sana raw kung nasaan man si Gelly, sana tulungan na rin siya ng ina nila para maging masaya siya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: