Ysabella, Episode 42

by

Humingi ng tawad si Albert kay Andrew dahil hindi niya ito nakausap man lang bago ito namatay.

Ang sabi ng mga pulis, ayon sa imbestigasyon nila, sinadya ni Andrew na ibangga ang kotse nito. Pero ayaw maniwala ni Albert.

Pasiyam ni Andrew, nagdarasal sina Lima, Albert, Sofia, at iba pang mga tao. Pero si Victoria, in state of denial pa at sinabi nitong si Albert daw si Andrew at tini-trick lang daw siya nito. Noong sinabi ni Albert na wala na si Andrew, nagwala ito at pilit sinasabing hindi patay si Andrew. Umiyak ito ng umiyak at sinabi nitong nangako si Andrew na hindi na siya aalis. Dinala ito sa ospital.

Nagpunta si Albert sa kwarto ni Andrew at nabasa niya ang huling sulat na ginawa ni Andrew para kay Ysay. Saktong tumawag si Ysay sa cellphone ni Andrew. Sinagot ito ni Albert, pero hindi siya nagsalita ang nagpapasorry na si Ysay (dahil hindi nga niya alam na dedbol na si Andrew). Ibinaba na nito ang telepono. Napaupo ito sa kama at naalala niya ang conversation nila ni Victoria noong pilit niya itong pinapauwi at ang tawag sa kaniya ni Andrew bago ito namatay.

Pinuntahan ni Albert ang puntod ni Andrew. Dito ipinakita na si Albert ang batang nakalaro ni Ysay sa sementeryo noong mga bata pa sila. Nagalit ang batang Andrew kay batang Albert dahil iniwan niya ito. Nangako si young Albert kay Andrew na hindi na niya ito iiwan.

Sa harap ng puntod ni Andrew, nangako siya na pagbabayarin niya si Ysay.

Sinabi ni Albert na Victoria deserves the best treatment kaya ipapadala nila ito sa America. Well recommended daw ng neurosurgeon ni Victoria ang doktor na gagamot sa kanya. (Doesn’t she need a psychiatrist, not a neurosurgeon? Bakit may neurosurgeon si Victoria?)

Nag-umpisa na ang paghahanap ni Albert kay Ysay. Naghire ito ng imbestigador para sa paghahanap kay Ysay.

Tinangkang holdup-in ang sinasakyang jeep nina Ysay at Trining. Pero nanlaban ang isa sa mga lalaking kasakay nila kaya tumakbo ang mga ito.🙄

Pagbaba ni Lima sa telepono kay Jordan, kinausap siya ni Albert at sinabing hiwalayan na niya si Jordan. May sakit daw ang mommy nila at makakasama lang sa kanya ito. Look at Andrew daw, sinaway niya ang mommy nila, kita mo ang nangyari sa kanya.

Tinulungan na silang magbuhat ng mga panindang tocino at longgasina ang lalakeng natanggol sila sa jeep. Palaboy lang daw ito, kaya inalok siya nina Ysay na sumama sa kanila at tumulong-tulong sa mga ginagawa nila.

Nakipagita si Lima kay Jordan. Sinabi ni Jordan na tinatawagan niya si Ysay pero hindi niya ito ma-contact. Sinabi ng luhaan na si Lima na she’s breaking up with him. Ayaw daw nitong masaktan ang mommy niya at ayaw niyang dumagdag sa sakit ng loob nito sa pagkamatay ni Andrew. Mas kailangan daw siya ng pamilya nito. Willing naman daw maghintay si Jordan, pero ang sabi ni Lima, unfair sa kanya na maghintay ito sa wala. Umalis ang umiiyak ring si Jordan.😦

Habang nagtitinda ng longganisa sina Ysay, Trining, Alex, at iyong lalaking hindi ko alam ang pangalan, wala silang malay na pinagmamasdan sila ni Albert across the street.

Imposibleng hindi mabalitaan ni Ysay na patay na si Andrew. Hindi ba siya nagbabasa ng diyaryo or nakikinig/nanunuod ng balita? Lalo na that they kept on stressing out the fact that Victoria Amarillo is very important sa business/restaurant world.

Ang galing ng performance ni Miss Connie Reyes! Bravo!

2 Tugon to “Ysabella, Episode 42”

  1. CAG Says:

    I agree that Coney’s portrayal of a grieving mother is so real. I am a mother, too, and I can imagine myself doing the same, if not worst, if my son, heaven forbid, suffers the same fate as Andrew.

    This is a series of one revenge after another. Ysay trying to avenge her mother’s death, Albert now wanting to avenge his brother’s death. What’s next? Revenge is so unproductive. Nothing good comes out of it. Even if one’s successful, the triumph is empty, ‘coz you got it at someone’s expense. Just thinking out loud…

  2. nawawala Says:

    siguro kase sabay ng pag-alis ni ysay yung kapanahunan ng pagkamatay ni andrew kaya di nya nalaman… siguro walang time magbasa o manood. hehe. kala mo totoo talaga eh, no! =D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: