Walang Kapalit, Episode 87

by

Nadedepress si Melanie dahil hindi niya makasama si Ernest. Sinabi ni Ceding na siya nga, 30+ years na niyang hindi masabi sa anak niya na siya ang ina nito. Baka daw may plano ang diyos sa kanila. Darating din daw ang panahon na makikila ni Ernest si Melanie bilang ina niya.

Kinausap ni Victor si Ernest at sinabi nitong ampon siya. Pero wala namang kibo si Ernest., pero umiyak lang ito. Sinabi ni Victor na hindi masamang tao si Cynthia at pakakatandaan niya na mahal na mahal nila ito.

Sinabi ni Noel na hindi pa pwedeng pilitin ni Melanie na tumira sa kanya si Ernest dahil hindi pa ito handa. Nagagalit na si Melanie. Ano raw ang magiging buhay niya kung wala ang anak niya. Hindi naman daw mawawala ang bata at mapapalapit din ang loob ni Ernest sa kanila at mabubuo ulit ang pamilya nila. Nagagalit si Melanie dahil mukha raw hindi apektado si Noel sa mga pangyayari. Ang sabi naman ni Noel, nagpupuyos daw ito sa galit at gusto niyang pumatay pero hindi siya gagawa ng bagay para magulo na naman ang pamilya nila. Niyakap niya si Melanie.

Kinumusta ni Diane si Ernest kay Brian. Naaawa si Brian sa bata dahil nga sa mga nangyayari. Pero sinabi ni Diane na nagpapasalamat siya dahil kahit hindi sila kasing yaman nina Melanie, kasama niya ang mga anak niya at wala silang problema.

Pinuntahan ni Victor si Cynthia sa kulungan. Handa raw ba itong magsakiripisyo para kay Ernest? Nakiusap ito na kausapin si Ernest at ipaliwanag kay Ernest na sina Melanie at Noel ang tunay nitong mga magulang. Ayaw pumayag ni Cynthia.

Nakipagkita si Victor sina Melanie at Noel at ibinigay na niya si Ernest sa kanila. Ayaw sumama ng bata sa kanila. Iyak ito ng iyak. Kinuha ulit siya ni Victor dahil ito raw ang makakabuti sa bata, for now. Sigurado daw na masama ang magigin epekto nito kapag pinilit siya.

Ayaw kumain ni Melanie. Nag-aalala na si Noel para dito. Si Ceding na raw ang bahalang kumausap kay Melanie.

Sinabi ni Melanie kay Ceding na hindi na raw niya kaya (Parang anliit ng kwarto nina Melanie at Noel?) . Kinaya raw niya lahat ng pagsubok sa buhay niya, pero ito raw hindi niya kaya. Alam daw ni Ceding ang pinagdaanan niya dahil pinagdaanan na niya ito. Kung kinaya daw niya, kakayanin din ito ni Melanie. Paano daw siya magiging ina sa isang batang ayaw sa kanya. It’s either sumuko o ipagpatuloy daw niya ang laban tulad ng ginawa niya, sagot naman ni Ceding. Lahat daw gagawin niya para sa anak niya, lahat daw titiisin niya para dito.

Sinabi ni Victor kina Brian at Diane na ayaw sumama ni Ernest kina Melanie at Noel. Natatakot daw si Victor para kay Ernest dahil hindi raw ito kumakain at nakakatulog sa pag-iyak niya. Dinala ni Victor si Ernest kay Cynthia, pero ayaw nitong harapin ang “anak” niya dahil ayaw niyan makita siya nito sa kalagayan niya. Nakiusap ulit si Victor na kausapin niya si Ernest dahil siya naman ang may kasalanan ng mga nangyari. Bayad lang daw iyon sa mga kasalanan sa kanya, sagot naman niya. Umalis na raw sila doon bago pa madamay si Victor sa galit niya, sabi ni Cynthia.

Nagising si Noel na wala si Melanie sa tabi niya. Dumating na ito galing sa Divisoria. Bumili daw siya ng yaya’s uniform — para sa kanya. Mamasukan daw siya bilang yaya sa anak nila. Dahil iyon lang daw ang nakikita niyang paraan para mapalapit ito sa kanya, maalagaan, at maipakita niya ditong mahal na mahal niya ito…

Gaya-gaya puto maya naman si Melanie kay Ceding😆 .

At saka pwede naman sigurong bisitahin nina Melanie at Noel araw-araw iyong bata para mapalagay ang loob nito sa kanila🙄 .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: