Natutulog ba Ang Diyos? Episode 25

by

Paano naman daw sina Gillian, ang tanong ni Andrew. Masakit man daw sa loob ni Mike, kaialngan niyang gawin ito para kahit malaman daw ni Rose na Patria ang nasa picture, wala na sila doon. Bibigyan niya raw ng pera ang mga ito, ang sabi naman ni Mike para makapag-umpisa sila ng panibagong buhay.

Isinama ni Emma si Mark sa opisina. Gusto nitong visible siya sa harap ni Mr. Crisostomo.

Sinabi na ni Rose kay Andrew ang hindi nila pagkakaunawaan nila ni Mike. Hindi niya alam, mas marami pang alam si Andrew sa kanya.😆

Mr. C na ang tawag ni Emma kay Mr. Crisostomo. Mukha naman daw siyang harmless sabi nito, kaya okay lang na kahang-out niya lagi si Trish. Nag-leave of absence si Mike, kaya si Emma ang in-charge sa meeting for the meantime.

Sinamahan ni Andrew si Gillian sa ospital. Gusto niyang mag-usap silang dalawa. Tinatanong ni Gillian kung may problema ba. Nagbibiro lang daw siya, sabi naman ni Andrew.

Pumunta sa ospital sina Mike at Bernardo para mapaayos na ang hospital bill ni Patria. Napansin ni Mike ang mga pasa ni Bernardo sa mukha. Sinabi na ni Bernardo na sinugod niya ang tauhan ni Minerva. Sinabi ni Mike na hindi titigil si Minerva, kaya babayaran na lang niya ang P5 M na hinihingi nito.

Nagkausap sina Mike at Patria, hindi nila alam nakikinig si Bernardo sa may pintuan. Nagdududa pa rin daw si Mike kung kasabwat ba ni Minerva si Patria o hindi. Mega-deny naman si Patria at sinabi niyang mahal niya si Mike kaya siya tumira sa kanila at hindi para sirain ang pamilya niya. Kahit masakit daw sa loob niya na may nagmamay-ari na sa kaniya, tiniis niya iyon dahil mahal daw niya si Mike mula noon hanggang ngayon. Umalis si Mike. Umiyak naman si Bernardo.😦

Nag-flashback kung paano nagkrus ang landas nina Mike at Patria. Nasiraan ng sasakyan sina Mike at Bernardo sa tapat ng club na pinagtatrabahuhan ni Patria. Sakto nasa labas ito at napansin ni Bernardo at tinanong niya kay Mike kung hindi ba raw iyon ang babaeng nakasama niya the night before. Itinable ulit ni Mike si Patria at doon sila nagpapicture. May lihim na gusto pala itong si Bernardo kay Patria. Si Patria naman na-inlove kay Mike. Inalok niya ng kasal si Patria. Nagpakasal nga sila.

Si Patria pala ang dancer (and stripper?) ni Mike sa bachelor’s party niya. May nangyari sa kanila. Ayaw magpabayad ni Patria kay Mike at sinabi nitong binayaran na siya ng mga kasama ni Mike. Pero binayaran pa rin siya ni Mike as bonus.

Binigyan ng pera ni Mike si Bernardo.

Naninibago naman si Gillian sa ipinapakita sa kanya ni Andrew. Pagdating nila sa ospital, nalaman nilang iyak lang ng iyak si Patria. Sinabi ni Andrew na kausapin daw ni Gillian si Patria.

Tinext ni Andrew si Karla, gusto niyang makipagkita dito. Pilit pa ring kinukumbinse ni Karla ang nanay niya na tigilan na niya ito dahil minsan gusto na niyang isumbong ito sa pulis. Sinampal siya ni Minerva.

Paglabas daw ni Patria, dapat umalis na sila. Pasensiya na raw, sabi ni Mike kay Bernardo, pero pinuprotektahan lang niya ang pamilya niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: