Margarita, Episode 17

by

Umalis si Robbie at nakasalubong niya sina Scarface. Hindi pala totoong pinauwi niya ang mga miyembro nila, gusto lang niyang sundan si Robbie para malaman niya kung saan nakatira ang ate nito para may mapanghawakan siya against him.

Sinabi ni Bernard sa kasama niya sa trabaho na kahit na Harvard graduate siya at magkakaroon siya ng high paying job kung gugustuhin niya, pero he chose his job dahil he wants to make a difference. (And did he say something about paying for his mistakes in the past?)

Nagkita na sina Margarita at Rodrigo. Ayusin daw muna ni Rodrigo ang Academy, at aayusin raw muna niya ang problema nilang magkakapatid, bago nila ulit pag-usapan ang sa “kanila.”

Pinapatakbo ni Jessica si Robert bilang congressman on next election. Sina Jessica at Ramon na raw ang bahala sa pondo. Tuwang-tuwa naman si Robert sa suggestion nito.

Nalulungkot pa rin si Margarita dahil hindi niya makita ang mga kapatid niya. Pinapalakas naman ni Rodrigo ang loob niya. Habang bakasyon daw nito, tutulungan niyang maghanap si Margarita.

Nakatulog sa harap ng isang building si Gabby, ginigising siya ng guard pero hindi ito magising si Gabby. Tumawag ng ambulansiya ang guard.

Nalaman ni Bernard na tatakbo si Robert. Skeptical ito pero pinaalala ni Jessica na lahat ng tinatamasa nila ay galing kay Robert kaya dapat lang na suportahan niya ito.

Nasa ospital na si Gabby. Ibinalita ni Carding kay Margarita na nasa ospital ang kapatid niya. Pinuntahan niya si Margarita sa trabaho habang kausap ni Margarita si Gelly. (Pero siempre hindi niya alam na siya ang nawawala niyang bunsong kapatid).

Habang naghahanda ang mga kasama ni Robbie sa sindikato, nakakita ito ng phone at phone book sa mesa sa tabi nito.

Nadehydrate daw si Gabby ayon sa doktor at kailangan pa niyang manatili sa ospital. Kahit na nag-alok ng tulong sina Didith at Carding para sa mga gastusin, hindi pa rin ito sapat kung kaya’t kinapalan na ni Margarita ang mukha niya at nakiusap sa amo niya na bumale ng isang buwang sweldo para sa kapatid nito. Pagdating niya sa trabaho, sinalubong siya ng sermon ng amo nito dahil bigla na lang siyang umalis sa trabaho. Sinisante niya si Margarita sa trabaho.

Problemadong-problemado na si Margarita. Isinuggest ni Didith na mamasukan na lang siya as GRO sa pinapasukan niyang club. Nadulas pa nga ito at nasabi niyang hindi naman ito kagaya ng ginawa niya sa Japan. Mukhang hindi naman masyadong napansin ni Carding ang pagkakadulas niyang ito.

Nakatanggap ng tawag sina Bernard. Umalis din sila kaagad para sa isang raid…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: