Ysabella, Episode 41

by

Naghihintay pa rin si Ysay kay Andrew sa breakwater.

Kausap ni Victoria si Albert at pilit na pinapauwi ito. Para daw magkaayos na silang magkapatid at para makalimutan ni Andrew si Ysabella.

Bumili ng ice cream si Ysay, dumating si Mito, pero hindi sila nagkita. Nakita ni Ysay si Andrew na naglalakad, nginitian at kinawayan niya si Ysay, nabangga si Ysay ng mga naglalakad. Paglingon niya wala na si Andrew.

Nag-ring ang phone ni Victoria, akala niya si Albert ang tumawag at sinigawan niya ang tumawag at sinabing huwag na itong magdahilan pa at umuwi na lang siya. Ang ospital ang tumawag para sabihing naroon si Andrew.

Noon dumating sina Victoria at Phuket sa ospital, nirerevive si Andrew. Hindi ito nakasurvive.

Namatay na si Andrew. Time of death, 4:40(?) p.m.

Nakaupo si Victoria sa ospital, habang iniisip niya si Andrew. Sinabi ni Phuket na nakausap na niya si Albert at uuwi na sila ni Lima. Ibinigay ng nurse ang mga personal effects ni Andrew. Malungkot na sinabi ni Victoria kay Phuket na ayaw na pinakikialaman ni Andrew ang mga gamit niya. At kung makikita niyang bukas ang mga gamit niya, aawayin na naman siya nito. Pinipilit naman daw niyang magbago, para hindi na raw siya umalis. Nangako daw siya na hindi siya aalis. Hindi matanggap ni Victoria ang pagkamatay ni Andrew.

Kumakain sa terminal ng bus sina Ysay, Trining, at Alex. Nagtataka ito kung bakit hindi siya nilapitan ni Andrew. Ang sabi naman ni Trining baka daw masyado pang masakit ang loob nito, pero gusto pa rin niyang iparating naiintidihan siya ni Andrew kaya nagpakita pa rin ito sa kaniya kahit hindi na niya ito nilapitan. Pasakay sila sa bus noong maisipan ni Ysay na sulatan na lang si Andrew.

Nakarating na sila sa probinsiya. Napakasaya ng pagtanggap ng mga kamag-anak nina Trining sa kanila. Bagong lugar, bagong buhay daw.

Sa burol ni Andrew, inilagay ni Victoria ang wallet ni Andrew sa kabaong niya at sinabi nitong hindi niya pinakialaman ang gamit niya. Binasa niya ang sulat ni Andrew kay Victoria at nabasa niya ang part na sinabi ni Andrew na magpapakalayo-layo na siya. Sinabi ni Victoria na si Ysabella ang may kasalanan ng lahat ng ito at habang buhay niya itong pagbabayarin.

Hindi mapalagay si Ysay, gusto niyang tawagan si Andrew.

Sumulat si Ysay kay Andrew at sinabi niyang gusto nitong malaman niya hayaan na lang niya itong magtampo ng magtampo pero nandoon lang siya at hindi niya makakalimutan ang pangako nila sa isa’t isa. Isasama na rin daw niya ang wish niya na sana pagkatapos ng isang taon, maayos din nila ang lahat. At babalik siya pagkaraan ng isang taon.

Dumating na sina Lima. Nagyakap sina Lima at Victoria. Nagyakap sina Andrew, este, Albert (si Ryan Agoncillo ulit) at Victoria. Hinalikan ni geeky Albert ang noo ni Andrew…

Ang galing talaga ng mga nanghula kung sino si Albert, tumpak na tumpak!🙂

2 Tugon to “Ysabella, Episode 41”

  1. cheesygarcia Says:

    sana naman malaman ni ysay na patay na si andrew, baka mamaya magpanggap pang si albert na siya si andrew

  2. willie Says:

    maganda ang episode na ito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: