Walang Kapalit, Episode 86

by

Pinag-uusapan ng mga kasama ni Melanie sa kulungan kinabukasan. Nangako ito na hindi niya kakalimutan ang mga kasama niya doon. Sila daw kasi ang nakasama niya doon sa pinakamahirap ng stage ng buhay niya. Sila daw ang mga tunay niyang kaibigan.

Masayang sinalubong ni Melanie ang walang kibong si Noel at sinabi nitong napanood niya sa tv ang testmoniya ni Rod. Sinabi ni Noel na buhay pa ang anak nila at si Cynthia ang kumuha ng bata. Napaupo naman at natatawa’t naiiyak si Melanie. Masaya naman siyang niyakap ni Noel. (Lol, huwag muna kayong magsasaya, wala pa sa inyo ang anak mo!)

Sinugod ni Melanie ang doktor na nagpanaak sa kanya, kasama ang mga kasama niya sa preso. Tinangka nitong tumakas pero lahat ng nandoon sa correctional, hinarang siya ng mga ito.

Malungkot si Brian dahil sinisisi niya ang sarilia niya. Hindi na raw bata si Cynthia, ang sabi naman ni Diane.

Nasa presinto na ang dalawang doktor. Deny to death naman ang dalawa. Nandoon pala si Brian at ipinakita niya ang blanket na nakita niya. POsitibo raw na dugo ni Melanie ang nandoon.

Nakapark naman sa parking lot sina Cynthia at Ernest. Nagugutom na ito, pero wala silang pagkain. Pinapatulog niya ito.

Sinabi ng mga pulis kina Noel, Moody, at Ceding na pinaghahanap nila si Cynthia at si Ernest. Sana raw makita nila ito bago makalaya si Melanie.

Inihatid si Melanie ng mga kasama niya sa preso papalabas ng correctional.

Nakalaya na si Melanie. Sinalubong siya nina Noel, Ceding, at Moody. Nagyakap ng matagal sina Noel at Melanie. Pagkatapos naman sina Ceding at Moody ang yumakap. And then, sila na naman ni Noel ang nagyakap ulit. Pagkatapos kami naman ni Noel😆 .

Masayang naghanda ng almusal si Elaine, masaya daw pala ang pakiramdaman ng malaya.

Pinakain ni Cynthia si Ernest sa isang karinderya. May narinig siyang police car, kaya pinasakay niya si Ernest sa kotse.

Nakauwi na si Melanie sa bahay nila.

Hinabol ng mga pulis ang kotse ni Cynthia. Nacorner ng mga pulis si Cynthia. Nilagay niya lap niya ang bata.

Sumugod sina Melanie sa presinto. Galit na galit ito kay Cynthia. Umiiyak si Ernest dahil hindi niya kilala si Melanie. (Lol, paano hindi iiyak, hinila ni Claudine ang kamay niya!!!)

Nagrereklamo sa social worker si Melanie dahil hindi pa raw niya pwedeng iwui si Ernest. Pareho raw silang biktima ni Ernest pero wala raw silang magagawa dahil si Cynthia ang nakilalang ina ni Ernest. Ang suggestion niya, iuwi muna ang bata kay Victor at doon unting-unting kunin ni Melanie ang loob nito.

PUmayag naman si Victor. Psychiatrist daw siya at maihahanda daw niya ang bata sa pagbabalik nito sa kanila. Sa kabila ng nangyari, mahal pa rin daw niya si Cynthia.

Habang nasa kulungan si Cynthia, iniisip niya na hinding-hindi makukuha nina Melanie at Noel ang loob ng “anak niya…”

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 86”

  1. Lani Says:

    Very funny ka naman duon sa part na “Pagkatapos kami naman ni Noel…”
    he he he.
    Guess what I saw the good looking Piolo Pascual here in New Jersey with Pops Fernandez. Nag perform sila sa Philippine Fiesta in Secaucus, NJ.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: