Natutulog ba Ang Diyos? Episode 24

by

Bago pa nasabi ni Patria kay Andrew na siya ang totoo nitong ina ay dumating si Bernardo. Pilit sinasabi ni Patria na hindi na niya kaya, kailangan ng malaman ni Andrew ang totoo. Nakukonsensiya na raw siya. Ang buong akala naman ni Andrew, ang katotohanan na ibig sabihin ni Patria ay iyong pambubugaw niya kay Gillian at na kasabwat sila ni Minerva sa pambablack mail nito sa daddy niya.

Sinabi ni Bernardo na hindi sila kasbwat ni Minerva, ipinakita pa nito ang mga pasa niya galing sa pambubugbog ni Minerva sa kanya.

Noon nasa kotse si Andrew, umiiyak si Andrew at naisip niya ang mga nangyari. Nagtataka siya kung bakit masyado siyang apektado sa mga nangyayari kina Patria at Bernardo.

Confrontation scene nina Rose at Mike. Deny to death pa rin si Mike na wala siyang babae. Ipinakita ni Rose na picture. Inamin ni Mike na more than 15 years ago na daw iyon nangyari at one night stand lang iyon. Noong una ayaw maniwala ni Rose at nag-threaten pa ito na iiwan niya si Mike kapag hindi siya umamin. Kung daw totoo ang sinasabi niya bakit willing pa itong magbayad ng P5 M kay Minerva. Ang sabi naman ni Mike, wala daw kwenta ang pera kapag pamilya na niya ang pinag-uusapan.

IKinuwento ni Gillian sa mga kapatid niya ang nangyari kay Patria. Sinabi ng doktor parang ang lalim ng dinadala nitong sama ng loob. Siya pa raw ang may ganang sumama ang loob, e kung pagsalitaan niya sila ay parang hindi niya ito mga anak, ang sabi naman ni Tina. Narinig ito ni Bernardo at nagalit kay Tina.

Nalaman ni Rose na naoverdose si Patria. Nairita na si Rose, dahil noong una naaksident dahil lasing, ngayon naman daw nagpa-overdose.

Umiiyak na naisip ni Tina ang pagdadabog niya kay Patria. Nakita siya nina Gillian at Boy. Sinabi niyang bwisit na bwisit na siya sa pamamahay nila at pag nakahanap siya ng tiempo, lalayas siya.

Gustong puntahan ni Rose si Patria, pero ang sabi ni Mike, baka mas maganda raw na hayaan na muna nilang i-sort out nina Patria ang problema nila as one family.

Sinabi ni Bernardo na babalikan niya si Minerva, pero pinigilan siya ni Patria. Nakukonsensiya na raw siya, andami na raw galit sa puso niya. Andami na raw nadadamay: si Gillian, sina Boy at Tina na hindi na niya nagagawang mahalin. Pati na raw si Sir Mike nagagalit na sa kanila. Dahil lang daw ba galit si Mike susuko na siya? Hindi daw iyon, naiisip daw niya na imposible na niyang mababawi si Andrew. Sinabi naman ni Bernardo na mabubuo din daw ang pamilya nila.

Gustong sabihin ni Andrew na si Patria ang babaeng kasama ni Mike sa picture. Kailan daw naging tama ang pagsisinungaling, ang tanong naman ni Andrew.

Tinanong ni Gillian kung anong nangyari sa kanya bakit andami niyang pasa. Hindi naman niya sinabi ang totoo. Tinanong din ni Gillian kung bakit nagawa ni Patria ang mag-overdose?

Hindi raw basta-basta susuko si Minerva, sa kanya daw ang P5 M.

Hindi raw kayang magsinungaling ni Andrew kay Rose. Ang sabi naman ni Mike, pinuprotektahan daw niya ang mommy niya. Kung mahal daw niya ang mommy niya, ang pamilya nila, kakalimutan daw niya ang mga nangyari. Paano daw kung biglang mag-blackmail si Patria, tanong ni Andrew.

Dapat daw na lumipat na sina Patria ng tirahan, ang sabi naman ni Mike…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: