Margarita, Episode 16

by

Mula noong Biernes, sinasakal pa rin ni Margarita si Magda at tinatanong kung nasaan ang mga kapatid niya. Hindi raw niya alam kung saan sila nagpunta. Tinawag pa rin siyang walang utang na loob ni Magda.

Binitawan na ni Margarita si Magda, sinabi nito na pasalamat siya at may takot siya sa Diyos, kung hindi mapapatay niya ito. saka na siya umalis.

Nagugutom si Gabby, pero dahil walang pera, kinain na lang niya ang tira-tira noong isang customer sa isang kainan. Nakita siya ng waitress at pinaalis siya.

Tinangkang tumakas ni Robbie sa mga kasama niya, pero nahuli siya. Sampung libo daw ang pampiyansa sa kaniya, kailangan niyang magtrabaho para dito. Tinakot niya ito, at sinabing uunahin niyang patayin ang mga kapatid niya.

Nagmi-meeting sina Bernard at ang mga kasama niya sa NBI. (Hindi ko masyadong napanood ang eksenang ito, istorbo kasi ang boypren ko, tumawag😈 ). `Yun atang sindikatong nasalihan ni Robbie ang pinag-uusapan nila. Na-assign kay Bernard ang case. Basta ang sabi ng ninong niya gusto niya nandoon siya kapag nahuli na nila ang mga ito.

Naghahanap si Margarita ng trabaho at the same time, pinaghahanap din niya ang mga kapatid niya.

Nahuli sina Robbie at ang mga kasama nitong nagngangarnap. Isa sa mga pulis na nandoon ay si Carding. Nabigla siya noong nakita niya si Robbie.

Nagkakalat ng tsismis si Magda tungkol kay Margarita. Kesyo marami na raw mga lalaking dumaan sa kaniya, etc.

Pinagalitan ni Carding si Robbie dahil nagpapakahirap sa trabaho ang Ate nila tapos ganoon ang ginawa nila. Nalaman ni Robbie na nasa Pilipinas na si Margarita. Matagal na palang hinuhuli ni Carding si “Scarface” (iyong lalakeng nakasama ni Robbie sa presinto).

Sinabi ni Didith na huwag ng pansinin ni Margarita ang mga tsismosa. Tinutuya naman siya noong GRO na may gusto kay Rodrigo. Dumating si Carding para sabihing nakakulong si Robbie, pagdating nila sa presinto, nakatakas daw ang grupo ni Scarface.

Pinag-uusapan nina Bernard at Carding ang pagkakatakas ng mga ito. Suspetsa nila, pulis din ang may kagagawan. Kawawa naman daw ang mga matitinong pulis, pati sila nadadamay.

Ang ninong ni Bernard ang may pakana ng pagkakatakas nila, by the way.

Inassure ni Carding si Margarita na makikita din nila ang mga kapatid niya. May kilala daw ito sa NBI na makakatulong sa kanya.

Nakakita ng ng trabaho si Margarita pero mababa lang daw ang sweldo niya. Okay lang daw iyon ara kahit paano may panggastos sila. Umiiyak siya habang sinasabi niya kay Didith na naawa siya kay Gabby dahil running for honours siya, pero hindi nakakapasok, at si Robbie naman hindi siya mangangarnap unless napilitan lang siya.

Hindi nila alam nasa pintuan si Robbie at naririnig niya lahat ng pinag-uusapan nila. Naalala niya ang banta ni Scarface sa kanila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: