Ysabella, Episode 40

by

Victoria confronted Andrew dahil alam nitong nakikipagkita pa siya kina Ysay. Siniraw daw ni Andrew ang usapan nila. Ang sabi naman ni Andrew, masaya ito kay Ysay pero masaya rin siya sa pagbabalik niya sa bahay nila. Hindi raw ba pwedeng maging masaya siya on both? Nagalit naman si Victoria at nag walk out.

Nagpunta si Andrew kina Ysay at niyaya niya itong maglakad-lakad. Sinabi ni Andrew na alam na ni Victoria na nakikipagkita pa rin siya sa kanila. Ayaw daw niya ng gulo, sabi ni Ysay. Magkaka-chance lang daw na magkabati sina Victoria at Ysay kung aaminin ni Victoria ang mga kasalanang ginawa niya sa pamilya ni Ysay.

Paghatid ni Andrew kay Ysay, nakita nila ng sasakyan ni Mito. Noong nakita sila ni Mito, niyaya niyang umalis si Jordan. Gusto silang pigilan ni Ysay pero pinigilan naman siya ni Andrew. Umiiyak si Ysay at sinabin mahal pa rin niya si Mito.

Gumawa ng sulat si Andrew kay Ysay pag-uwi niya. Nagalit si Victori dahil hindi sinipot ni Andrew ang board meeting niya. Umalis lang si Andrew habang sinasabi ito ni Victoria.

Noong papunta siya kina Mito, tinawagan niya si Albert. Hindi naman sumasagot si Albert, sinabi niya na kung sigurong si Albert at hindi si Andrew ang nagmahal kay Ysay, siya ang pipiliin nito over Mito.🙄

Sinugod ni Andrew si Mito. Sinabi nito na siya ang problema niya, ang dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Ysay. Sinabi ni Mito na he deserves her more than he does, at sinabi rin niya paalis na ito kinabukasan.

Habang pinag-uusapan nina Ysay ang pagpunta ni Mito earlier, dumating si Victoria at sinampal si Ysay. Dahil daw kay Ysay, nasasaktan ang anak niya. Dito na nagkaalaman na bahay ni Victoria ang tinitirhan nila. Umiiyak si Ysay kasi hindi naman niya akalaing iyon pala ang dahilan kung bakit bumalik si Andrew sa mommy niya. Hindi daw niya alam na ganoon siya kamahal ni Andrew. Uuwi na sila sa probinsiya.

Sumulat si Andrew kay Ysay. Sinabi nitong mahal pa rin niya ito pero magpapakalayo daw muna siya. Hintayin na lang niya si Mito, dahil alam niyang magbabalik siya.

Tinawagan ni Andrew si Ysay at nakikipagkita siya sa may breakwater.

Tinawagan ni Andrew si Mito at nakikipagkita siya sa breakwater, may sasabihin daw siya.

Nagreminisce si Andrew habang nagmamaneho, inalala niya noong una silang magkita ni Ysay hanggang doon sa nagbaon sila ng mga pangarap at sakit ng loob nila doon sa tabi ng puno sa farm ni Andrew.

Hindi napansin ni Andrew na naka-barricade pala ang dadaanan niya. Sinubukan niyang mag-preno pero dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, bumaliktad ang kotse niya.

Duguan si Andrew habang naghihintay pa rin si Ysay sa may breakwater….

6 Tugon to “Ysabella, Episode 40”

  1. helen castillo Says:

    hindi pwedeng mamatay c andew
    dapat huwag ng bumalik c mito
    ung galing ni coney reyes

  2. fallinsun Says:

    Di naman sa masama akong fan ni Ryan, pero mas bagay pa rin si Mito at Ysay, si Mito ang tunay na mahal ni Ysay.

  3. Hans Says:

    Did I get it right?:)

    episode 40

    “Noong papunta siya (andrew) kina Mito, tinawagan niya si Albert. Hindi

    naman sumasagot si Albert, sinabi niya(andrew) na kung sigurong si

    Albert (andrew’s twin brother) at hindi si Andrew(siya…andrew talaga,,,talking to himself) ang

    nagmahal kay Ysay, siya (si albert) ang pipiliin nito (Ysay) over Mito.🙄

  4. ptvj Says:

    Iyon nga ang sabi niya. I guess iniisip niya na si Albert, mas better person sa kanya…kaya kung sila (Albert + Ysay) ang nagkakilala, hindi magdadalawang isip si Ysay na kalimutan si Mito…

  5. Hans Says:

    eh…bakit naman siya nag-isip si andrew ng ganyan?close ba sila ng bro niya?
    eh…mukhang strict at perfectionist si albert diba?

    kung totoong papasok si angelika dela cruz sa “Ysabella”ano kayan role niya?

    would she be the gf of albert from Spain(ba yun?)???

    do you think successful si Albert sa plan niya ????

  6. ptvj Says:

    di ba nabasa ni albert iyong letter ni andrew for ysay? si ysay ang sinisisi niya sa pagkamatay ni andrew. mukhang geeky looking si albert e, hehe. at saka mukha siyang killjoy😆

    si angelica panganiban ang bagong cast. baka naman bagong girlfriend ni mito si angelica sa show… baka binabantayan ni angelica si derek — againt ryan agoncillo, hehehe.

    palagay ko ma-i-in-love din si albert kay ysay at the end…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: