Walang Kapalit, Episode 85

by

Ayaw buksan ni Cynthia pintuan kahit anong pilit ni Victor. Andun lang sila sa kama at yakap yakap niya ang umiiyak na si Ernest.

DUmating si Brian sa bahay at tinanong ni Diane kung nasaan ang cellphone niya dahil tawag ng tawag si Victor dahil nga kay Cynthia. Sinabi ni Diane na sabihin na kasi niya ang totoo, once and for all.

Nakalaya na ang isa sa mga kasama ni Melanie sa kulungan. Malungkot silang nagpaalaman.

Dumating si Brian sa bahay nina Cynthia at Victor. Ayaw pa ring buksan ni Cynthia ang pintuan. Binalaan siya ni Brian na kung hindi niya bubuksan ang pinto sasabihin na niya kay Victor ang katotohanan (duh!!! nasa harapan mo lang si Victor, Brian). Sinabi na nga niya kay Victor ang totoo.

Nakauwi na sina Moody, Ceding, at Noel sa bahay pagkatapos ng kasal. Sinabi ni Noel na may gustong sabihin si Brian sa kanya pero wala pa siyang lakas ng loob. Siempre daw hindi pa niya kayang sabihin dahil baka mapahamak ang kapatid nito. E sila ni Melanie naman daw ang naaagrabyado (Siempre, kapatid niya iyon, no).

Binisita ni Noel si Melanie sa kulungan.

Nagkita na si Melanie at ang witness.

Nagpa-press conference sila Noel at ang lawyer nito (nandoon din sina Moody, at Ceding) at doon isinalaysay ng bata ang lahat ng pangyayari: na si Cynthia ang pumatay ay Ronal habang walang malay si Melanie. Sinabi nito na natatakot siya kaya hindi siya agad lumitaw, pero noong nalaman daw niya ang hirap ni Melanie, nawala ang takot niya.

Napanood ni Melanie at ng mga kasama niya sa kulungan ang press conference. (Lol. Bakit wala doon sa presscon si Melanie?). Palakpakan ang mga kasama ni Melanie sa preso, habang naluluha si Melanie.

Napanood din ni Cynthia ang conference habang nag-e-empake si Cynthia. Dinalian ni Cynthia ang pag-e-empake at umalis na sila.

Nagpunta ang mga pulis sa bahay nina Victor para arestuhin siya sa salang pagpatay kay Ronald. Nabigla si Victor pero hinanap pa rin niya si Cynthia, hindi niya makita sa bahay nila. May warrant of arrest ang mga pulis at humingi sila ng permiso kay Victor na i-search ang bahay nila. Pinayagan naman sila ni Victor.

Sinabi na ni Brian kay Noel ang totoo. Humingi ito ng tawad dahil hindi niya agad sinabi ito sa kanya. Matagal na daw niyang gustong sabihin ito sa kanya (Duh, kahapon mo lang nalaman). Itinulak ni Noel si Brian sa pader, pero natigilan lang ito.

Nanlulumong napaupo si Noel…

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 85”

  1. Jessilyn Says:

    Naku..salamat naman at nabuking na si Cynthia.. Paki upload napo yung kwento/summary nung kasunod.. tnx so much!

  2. ptvj Says:

    sa lunes pa iyon🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: