Margarita, Episode 15

by

Masaya si Rodriog dahil nalaman niya kay Margarita na uuwi na siya kinabukasan.

Sinabi ni Gabby kay Magda na iuurong na niya ang demanda kay Robbie at palalayain niya ito. Hindi daw niya kayang tiisin ang mga ito unlike her ate. Magsasama-sama na raw sila ulit na aprang sang tunay na pamilya. Mabait ang tono ng boses ni Magda, lol.

Pagdating ni Magda sa preso, nalaman niya na may nagpiyansa na kay Robbie. Hindi nila alam kung sino.

Dumating si Robbie sa bahay nila at itatakas niya si Gabby.

Nag-aalala si Magda dahil baka matigil ang sustento ni Margarita kapag nalaman niyang wala na roon si Robbie. Pero ang sabi ng kaibigan niya, nandoon pa naman si Gabby, kaya tuloy pa rin ang sustento.

Pagdating ni Magda sa bahay hinanap niya si Gabby.

Naitakas ni Robbie si Gabby. Binuksan nila ang bahay ni Didith at doon tumawag. Ayon sa nakausa nila, bago pa lang daw ito doon pero ang alam niya mabilis magpalit ng mga tao ang apartment nila dahil maraming mga trabahador doon na ibinabahay ng mga hapon. Baka ito daw ang nangyari sa ate nila. (Gaga! Sana ipinagtanong mo na lang). Umiiyak na ibinaba ni Gabby ang telepono.

Dumating na si Margarita. Si Magda pa ang may ganag magpalayas at manakit dito. Sinabi niyang naglayas daw ang mga kapatid nito.

Nagpunta si Margarita sa bahay ni Didith, pero wala ng tao doon.

Hinahanap ni Margarita ang mga kapatid niya. Tumuloy ito sa simbahan at umiiyak na nagdasal.

Pag-uwi nina Didith, nakita niyang nakatulog si Margarita sa bangko nila sa labas ng bahay niya. Sinabi ni Margarita na nawawala ang mga kapatid niya. Ikinuwento ni Margarita kay Didith ang naging karanasan niya sa Japan. Nakiusap ito na huwag na niyang ikwento sa mga kapatid nito at kay Rodrigo.

Inalok siya ni Didith na doon muna ito sa bahay niya tumira. At least daw may naipon na siyang pera para sa mga kapatid niya. Doon niya nalaman ang mga pagsisinungaling ni Magda. Nalaman din niya mula sa isa sa mga GRO na narinig nila sa tindahan na sinapak ni Robbie si Magda. Nakalaya si Robbie, at mayamaya ay si Gabby naman ang nawawala.

Isinama ni Robbie si Gabby sa pagka-carnap niya. Naiwan si Gabby dahil hinabol sina Robbie ng security guard.

Sinugod ni Margarita si Magda at kinukuha nito ang pera niya. Pinagsasampal siya at pinagsasabunot ni Magda. Sinakal siya ni Margarita…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: