Ysabella, Episode 39

by

Pagkatapos yayain ni Ysay si Andrew sa open mic, bumalik na ito sa loob at iniwan ang nakasmile na si Andrew.

Naiinis si Victoria dahil late si Andrew sa meeting nila, pero pagdating ni Andrew sinabi niya okay lang na nalate siya. Pag-uwi pa nila sa bahay ibinibida pa niya ito kina Phuket at Lima.

Sinundo ni Andrew sina Trining, Ysay, at Alex. May dala pa itong bulaklak para kay Trining. Akala ata ni Ysay, para sa kanya iyon, hehehe! Pinansin nila na ang suot nito dahil naka long-sleeves pa siya.

Matagumpay namang nakakanta si Alex. (Ang ganda talaga ng boses ni Aiza, para kang hinehele ng mga anghel).

Nagkausap ng sarilinan sina Andrew at Ysay. Nagpasalamat si Andrew kay Ysay sa pag-imbita at pagpapatawad nila sa kanya. Sinabi ni Andrew na ayaw nilang nagkaka-ilangan pa sila gusto niya kahit ano nasasabi pa rin nito sa kanya. Hindi daw alam ni Ysay kung paano niya itatanong, gusto nitong malaman kung mahal pa rin siya ni Andrew. Hinawakan ni Andrew ang kamay ni Ysay, hindi na raw siguro magababago iyon sabi ni Andrew. Huwag daw muna ngayon sabi ni Ysay, sabay bawi sa kamay niya. Pabirong sagot ni Andrew, maghahanap na lang daw siya ng mas maganda sa kanya.

Hindi man natanggap si Alex, masaya pa rin sila at least hindi na siya natatakot sa mga tao.

Dinala ni Andrew sina Ysay sa farm. Sinabi niya kay Ysay ang mga pangarap niyang gawin sa farm.

Tinanong ni Andrew si Ysay kung masaya raw ba ito. Kung ngayon daw masaya siya, dahil nandoon siya pero kapag naiisip niya ang mga problema niya, gusto na lang niyang ibaon ang lahat. Niyaya siya ni Andrew, may gagawin daw sila.

Malungkot na pinagmamasdan ni Lima ang passport niya. May bisita siyang dumating, si Jordan, in the disguise of a woman. Masayang niyakap siya ni Lima.

Nag-ala-My Sassy Girl sina Andrew at Ysay. Ibabaon daw nila ang mga problema nila pati mga pangarap nila sa buhay. Gagawin daw nilang bantay ang isang baka na bininyagan ni Ysay ng “Butchik.” Babalik daw sila pagkatapos ng isang taon.

Nagpaalaman na sina Jordan at Lima. Malungkot silang nagyakap.

Sinusulat nina Ysay ang ibabaon nila ni Andrew. Eto ang excerpt: “…huwag kang mag-alala Andrew, bubuksan kong muli ang puso ko…at para sa iyo na iyon” — not the exact words. Habang sinusulat ni Andrew, malay daw niya kung isa sa kanila hindi sumipot.

Paalis na sina Victoria at Lima papunta airport. Kausap ni Victoria si Albert, binibilinan niya ito at sinabing pagdating daw ni Lima doon ay bumalik muna si Albert sa Pilipinas. (Ha, e sinong kasama ni Lima doon?)

Nagpaalaman na sina Lima at Andrew. Bago sila sumakay sa kotse, sinabi ni Lima sa mommy niya na huwag sana nitong makalimutan na sinunod niya ang lahat ng gusto niya. Dinedma lang siya ni Victoria.

Kina Ysay ulit kumain si Andrew.

Habang nasa meeting si Andrew, wala siya sa sarili niya.

Nadatnan ni Andrew na gumagawa ng longganisa sina Ysay. Despite Ysay’s protest, tumulong pa rin sa paggawa si Andrew. Biniro siya ni Andrew, baka daw mapabilis ang pagyaman nito. Okay, lang daw iyon para hindi na siya matapakan ng nanay niya…or ng kahit sino, dagdag pa niya. Nagsorry siya kay Andrew sa sinabi niya, okay lang daw iyon hindi na siguro maalis sa kanila iyon.

Hinahalo nina Ysay at Andrew ang giniling gamit ang kanilang mga kamay. Hinawakan ni Andrew ang kamay ni Ysay. Natigilan si Ysay, ang sabi niya kapag hindi daw niya inalis ang kamay niya doon, gagawin na lang niya iyong tocino.

Pasipol-sipol na umuwi si Andrew. Gising pa si Victoria at gumagawa ng mga paperworks. Napansin ni Victoria na madumi ang damit ni Andrew. Gumawa ng sulat si Andrew para kay Ysay, it’s about him understanding Ysay’s situation and all at alam daw niyang darating ang panahon tuluyang maghihilom ang puso niya at sana siya pa rin ang nasa tabi niya kung dumating ang araw na iyon.

Walang kibo si Ysay noon dumating si Alex. Sinabi niya na hinawakan ni Andrew ang kamay niya. Excited na tinanong ni Alex kng humawak rin ito. Dalawang buwan na raw silang break ni Mito, bigyan naman daw niya ng chance na maging masaya ang sarili nila. Natatakot daw si Ysay na baka hindi daw niya matumbasan ang pagmamahal niya. Anak pa rin daw siya ni Victoria Amarillo. Biglang sumabat si Trining at sinabing “Korek!” Ang sabi naman ni Alex, baka daw kapag naging biyenan niya si Victoria isoli nito ang mga ninakaw niya sa nanay niya.

Habang excited na kinukwento ni Andrew kay Victoria ang kabaitan ng staff nila sa kanya bigla siyang tinanong ni Victoria kung bakit nagsisnungaling si Andrew sa kanya. Alam daw nitong nakikipagkita pa siya kina Ysay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: