Walang Kapalit, Episode 84

by

Walang kibo si Noel noong dinalaw niya si Melanie sa kulungan. Hindi niya sinabi ang tunay na dahilan kung bakit nananahimik siya.

Habang gumagawa ng guest list sina Miguel at Vanessa, dumating si Anton at binati ang ikakasal. Hindi raw ito makakarating sa kasal nila dahil papunta siya sa Amerika, baka hindi na raw siya makapunta, kaya pinuntahan niya ang mga ito noong natanggap niya ang imbitasyon nila.

Nag-uusap sina Noel at Ceding, talagang suspetsa na nila na anak nga nina Noel at Melanie ang anak ni Cynthia. Hindi lang nila alam kung paano nila mapapatunayan.

Pinuntahan ni Brian si Cynthia at itinanong ulit kung saan niya nakuha si Ernest. Nagalit si Cynthia kay Brian, tinawag pa nitong baliw ang kuya niya. Sa sobrang galit hinagis na ni Brian kay Cynthia ang blanket na may tatak galing sa correctional.

Umiiyak na nakikiusap si Cynthia kay Brian na huwag niyang sasabihin ang natuklasan kina Noel at Brian. Hindi na raw niya pagtatakpan si Cynthia. Nagalit si Cynthia at sinabing magpapakamatay ito. Umalis si Brian.

Nakatanggap na ng sulat si Melanie mula sa batang saksi sa pagkakabaril ni Ronald.

Nahihiya daw si Elaine na pumunta sa kasal ni Vanessa. Wala daw siyang pera na maireregalo sa kanya, pero may ibibigay siya dito na hindi kaya ng pera.

Ibinalita ni Melanie kay Noel ang tungkol sa pagsulat ng bata. Sinabi na ni Noel kina Ceding at Moody ang tungkol dito. Sa isang linggo pa raw ang dating ng bata.

Sinabi ni Brian kay Diane na ayaw niyang ipagkanulo ang kapatid niya. Tinanong ni Diane kung totoo raw ba na sina Noel at Melanie ang nanay ni Ernest. Natatakot raw ito dahil magpapakamatay ito. Hindi na alam ni Brian ang gagawin niya. Gawin daw niya ang tama, sabi ni Diane. At paano naman daw sina Noel at Melanie.

Nagdadasal si Melanie.

Kasal na nina Miguel at Vanessa. Nagkasundo-sundo naman ang both sides nila. Nagbeso-beso pa sina Ceding at Elaine, nakipagkamay naman sina Elaine at Arnold kay Noel. (Ay, wala si Melanie?)

Habang naglalakad papunta sa altar si Vanessa (with the song “More than you’ll ever know”), ipinakita nila since that first time na nagkita sina Miguel at Vanessa.

Sa reception, nginitian ni Noel si Elaine. Gusto daw niya itong makausap. Inamin niyang malaki ang kasalanan niya sa kanilang dalawa ni Melanie hindi daw niya alam kung paano siya hhumingi ng tawad. Matagal na raw nila siyang pinatawad ang sabi naman ni Noel.

Sinabi ni Brian kay Noel na siya ang may maitutulong sa kanya (eto ang sagot niya when Noel asked kung may problema ba ito at kung may maitutulong siya). Pero sa ngayon daw duwag pa ito. Hayaan na raw muna niya itong magkaroon ng lakas ng loob at linaw ng pag-iisip, at umalis na ito.

Binawalan ni Cynthia na magpunta sa mall sina Victor at Ernest. Hinila niya si Ernest papunta sa kwarto at ayaw niyang papasukin si Victor. Natakot naman ang bata at umiiyak ito…

Matatapos na ba bukas ito? 

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 84”

  1. Better Episode Says:

    By far the best episode these past few weeks. All I care about is for Cynthia to go to hell. Bagay siya sa role niya napaka antipatika ng mukha. Evil talaga ang dating. And the red -hair and hooker hoop earrings…grabe ang baduy ng costume designer ninyo!

  2. nawawala Says:

    kasi naman bumalik-balik pa sa pinas si cynthia eh! tapos di pa marunong magtapon ng ebidensya! tsk tsk. hehehe..
    tapos natawa na lang ako kase gumagawa sila vanessa ng guest list tapos biglang dumating si anton at sabi nya natanggap nya yunug invitation.. hehe. ang bilis ata..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: