Natutulog ba Ang Diyos? Episode 23

by

Umiiyak si Rose dahil palagi na raw nag-aaway ang mag-ama. Umupo na ulit si Mike at biglang nag-ring ang phone. Si Rose ang sumagot at si Minerva ang nasa kabilang linya. Magkita daw sila sa parking lot ng opisina nila mamayang alas-10 ng gabi. Kinuha ni Mike ang telepono, pero binabaan na siya ng telepono.

Kinawayan ni Patria si Andrew. Pinuntahan siya ni Andrew at itinanong kung bakit niya ginagawa sa kanila ito. Hindi daw niya alam kung anong ipinagsasabi niya. Sinabi ni Andrew marami siyang alam. Ipinakita niya kay Patria ang picture nila ni Mike. Noong umalis si Andrew, paulit-ulit na ibinubulong ni Patria na siya ang nanay nito.

Nakikiusap si Karla sa nanay niya na tigilan na niyang ginagawa niya sa pamilya ni Mike. Nagalit naman si Minerva sa anak.

Kinakatok ni Andrew ang kwarto ni Rose, pero ayaw niyang buksan ang pintuan, ayaw rin nitong kumain. Naalala naman ni Rose ang sinabi ni Minerva. Umalis si Rose kahit na pinigilan pa siya ni Bernardo.

Ang sabi ni Bernardo kay Patria, malilintikan daw to kay Mke dahil hindi niya alam kung saan nagpunta si Rose. Sinisisi niya si Minerva sa lahat ng mga nangyayari. Nakakasira daw kasi ng plano si Minerva. Sagot naman ni Patria, huwag na muna nitong intidihin ang plano nila dahil marami na ring mga kabutihang nagawa sina Rose at Mike sa kanila, at matagal na rin nilang niloloko ang mga ito. (Aba, nagbago ang ihip ng hangin…)

Nakukonsensiya na raw si Patria. Kalimutan na muna daw ni Patria ang konsensiya nito dahil kapag nalaman ni Andrew ang totoo, baka hindi rin magbago ang tingin niya sa kanila.

Nag-aalala si Mike dahil hindi niya alam kung saan nagpunta si Rose. Hindi na nakatiis si Andrew, ipinakita na niya nag picture nina Mike at Patria. Wala daw ibig sabihin iyon, sabi naman ni Mike. One night stand lang daw iyon. Pinatira niya sina Patria at Bernardo sa bahay nila dahil pamilya na ang tingin niya kay Bernardo. Never daw siyang naging unfaithful kay Rose. Sa dami daw ng mga nangyari sa bahay nila, hindi na raw alam ni Andrew ang paniniwalaan niya.

Napaihi si Patria sa higaan. Nagdadabog na pinuntahan ni Tina ang ina, noong nakita ang nangyari, tinawag ni Tina si Gillian. Aasikasuhin sana siya ni Gillian, pero siya na raw ang bahala sa sarili niya. Tinanong ni Gillian kung bakit niya ito pinagtutulakan. Kahit na raw ibenta niya ito, nanay pa rin niya ito. sana raw ituring naman niya itong anak.

Nag-uusap sa gazebo sina Andrew at Gillian (awwwwwww…). Umiiyak na na sinabi ni Gillian na naiinggit siya kay Andrew dahil mahal na mahal siya ng mommy niya.

Niyakap ni Andrew si Gillian.

Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!!!

Nasa opisina ni Mike si Rose. Patingin-tingin sa mga desk ni Mike. Nakita niya ang isang cheque worth P5 M.

Umiiyak naman si Patria. Dumating si Mike at inaakusahan niya itong kasabwat ni Minvera. Sagad na raw talaga sa buto ang kasamaan nila. Kung daw sariling anak nito, kaya niyang ibenta, sila pa kaya. Kapag may nangyari daw kay Rose mananagot sila.

Umalis na ito. Pilit namang tumatayo si Patria. Naalala niya ang usapan nila ni Andrew, ang pag-uusap nila ni Gillian, ang galit ni Mike sa kanila.

Uminom ito ng gamot.

Binugbog ng tauhan ni Minerva si Bernardo.

Nalaman ni Mike na nasa opisina si Rose.

Nalaman ni Andrew na pinuntahan ni Mike si Rose sa opisina nito.

Nakita ni Gillian na walang malay si Patria.

Hinarang ni Gillian ang papaalis na si Andrew.

Ligtas na si Patria sa panganib. Noong umalis si Gillian para mga fill-out ng forms, sinabi ni Patria na may sasabihin ito kay Andrew at sana huwag siyang magalit sa kanya at kay Bernardo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: