Margarita, Episode 14

by

Sa tulong ng Ninong Robert ni Bernard, nakakuha na agad ito ng trabaho sa NBI. Sigurado naman talaga na matatanggap ito, sabi nina Jessica at Robert.

Sinabi ni Magda kay Gabby na huwag na huwag daw niyang sasabihin sa Ate Margarita niya ang mga nangyayari sa kanila kung sakali man makausap niya ito. Kung hindi daw ay mas lalo niyang hindi palalabasin si RObbie sa kulungan.

Sabi ni Robbie sa kasama niya sa selda, pagkalabas daw niya doon itatakas na niya ang kapatid niya. Nirerecruit siyang sumama sa grupo nila. Ayaw ni Robbie, pero pag-isipan daw nitong mabuti dahil mababago ang buhay nila ng kapatid niya kung pumayag siya.

Hindi pa nirerelease ng hapon ang kontrata ni Margarita kaya hindi pa siya makakaalis sa Japan.

Nag-aalala si Magda dahil uuwi na si Margarita at hindi pa siya nakakahanap ng pera para ipampalit sa mga nagastos na mga padala ni Margarita. Narinig ni Gabby na uuwi na si Margarita, pero sinabi ni Magda sa kanya na nakausap niya si Margarita at sinabi daw nito na hindi na siya uuwi at mag-aasawa na lang siya ng hapon.

Noong dinalaw niya si Robbie. Kulang pa raw ang pampiyansiya niya at siguro naman daw kapag nabalitaan ito ng ate nila, magpapadala siya ng pera. Sinabi ni Gabby ang mga nalaman niya mula kay Magda. Ayaw maniwala ni Robbie.

Naglinis ng mga kotse si Gabby. Samantalang si Robbie, pumayag na rin ito sa alok ng kasama niya sa kulungan.

Binigyan ng pera ni Gabby si Robbie ng pera. Kinita daw niya ito mula sa paglilinis ng kotse, pampadagdag daw ito sa piyansa niya. Kung totoo daw kasing pinabayaan na sila ng ate niya, ayaw niyang matulad dito. Hindi raw niya pababayaan ang kuya niya.

Sinasabi ni Carding na may gustong maglagay sa kanya para i-give up nito ang imbestigasyon niya sa sindikato. Pero hindi ito pumayag, dahil matagal na niyang inaalagaan ang pangalan nila. Ito lang daw ang maipapamana niya kay Rodrigo.

Sina Jessica na raw ang magsusupply ng handcuffs sa NBI. Kasabwat nila ang isa sa mga pulis, na si Ramon. Hindi ba’t iniimbestiga pa rin ni Carding ang pagkawala ni Gelly? Ang ginawa ni Ramon, pinalipat niya sa NBI ang kaso at doon niya pinatigil para hindi makahalata si Carding sa nangyayari. So, sarado na ang kaso at hindi na ini-imbestigahan ang pagkawala ni Gelly. Kaya masaya na sina Jessica at Robert.

Pwede ng umuwi si Margarita sa Pilipinas…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: