Ysabella, Episode 38

by

Sinabi niya sa altar kung saan naroroon ang pictures ng mga magulang niya at ni Perry, ipinangako niya na iyon na ang huling beses na magpapaapi at magpapatalo siya kay Victoria.

Babangon daw siya at gaganti. Isasama sana ni Victoria si Andrew sa opisina, pero he wanted to check on Ysay. Ito na raw ang huling beses, sabi ni Victoria.

May nag-alok na matitirhang bahay kina Ysay sa Quezon City, magiging caretaker na lang daw sila doon kaya no need na magbayad pa sila ng renta.

Nag-ge-girl talk na naman sina Jordan at Mito. *Sorry. Hindi kasi ako nakikinig kapag nagdadrama ang dalawa.*

Noong naglilipat na sina Ysay, pumunta si Andrew at si Alex ang nakausap niya. Gusto lang daw niyang makatuong. Nag-aalok ito ng kaunting pera, pero ayaw tanggapin ni Alex.

Buti na lang daw lilipat na sila para hindi na niya mapuntahan ang mga ito. Nakita ni Andrew si Homer na binibigyan niya ng pera si Pura (ang babaeng nag-alok ng bahay kina Ysay). Nalaman niyang bayad iyon sa bahay courtesy of no other than Victoria.

Tinanong ni Phuket kung totoo ang sinasabi ng accountant ni Victoria na bumili ito ng bahay sa QC. Para raw matahimik na i Andrew, kahit ayaw pa rin niya kina Ysay. Kailangan daw kasi niya ang full attention nito dahil marami siyang kailangang malaman sa trabaho. Dumating si Adrew at niyakap niya ng mahigpit si Victoria, anything for him daw. Pinaupo na niya ito sa hapag kainan at asikasong-asikaso niya ito. Nagtinginan na lang sina Phuket at Lima.

Sinabi ng doktor ni Mito na mas makakabuti kung sa mga espesyalista sa US na ito magpatingin. Mas malaki ang chance na gumaling siya.

Nakarating na sila sa bahay nila sa QC. Nadulas si Pura, hindi niya naitago ang pagkamangha sa bahay na lilipatan nina say. Buti na lang hindi nila napansin.

Umiyak si Trining dahil naalala daw niya si Perry.

Ayan nagte-train na si Andrew sa kumpanya ni Victoria. May opisina at sekretarya na ito.

Pagod na pagod si Andrew pag-uwi niya. Sinabi ni Lima, after all these years, si Andrew pa rin ang apple of Victoria’s eyes. Magkakasundo rin daw sila ulit na mag-ina sabi naman ni Andrew.

Binisita ni Andrew ang puntod ni Perry. Sabi niya na tulungan na lang siya nito dahil pag nangangailangan sila, hinding-hindi niya ito tatalikuran, lalong lalo na si Trining. Narinig naman ito ng paparating na sina Ysay, Alex, at Trining.

Aalis na sana si Andrew, pinigilan siya ni Trining at niyakap niya ito.

Subsob sa pagtatrabaho si Andrew dahil gusto daw niyang mailibre ang weekend niya. Sinabi niya kay Victoria ang lupa na nabili niya sa Nueva Ecija. Plano daw kasi nila ito ni Albert, kahit hindi pa siya napapapatawad nito (Hmn… ano kaya ang kasalanan niya). Albert will come around daw, don’t worry, sabi ni Victoria.

As long daw as hindi niya pababayaan ang responsibilidad nito sa kumpanya, tutulungan niya ito sa mga expansion, financing, etc. Pero tinanggihan siya ni Andrew dahil gusto niyang magawa niya ito ng sarili niya.

Tinanong ni Andrew kung galit pa rin si Victoria kina Ysay. Ang sabi ni Victoria, ang reason daw kung bakit niya tinulungan sina Ysay ay dahil sa kanya.

Ipinapaliwanag ni Trining kina Alex at Ysay kung bakit pinatawad na niya si Andrew. Anak-anakan na raw kasi ang turing niya dito. Mahirap daw kasing tiisin ang isang anak or isang kaibigan. Napatingin namang bigla si Ysay kay Trining.

Iniisip nina Mito at Ysay ang isa’t-isa.

Pag-uwi nina Victoria at Andrew, tumawag si Albert sa cellphone ni Victoria. Nakausap na rin ni Andrew si Albert at humingi nga ito ng tawad sa kanya. Sinabi ni Victoria na bigyan niya ng chance si Andrew, nagpakumbaba na nga raw ito ano pa ang gusto niyang marining.

Pumunta si Andrew kina Ysay ng may dalang pagkain at si Alex ang naabutan niya. Pinapasok siya ni Alex, hindi naman daw siugro Victoria’s chicken ang dala niya. Pinuntahan siya ni Ysay, nagtinginan sila, at sinabing…

“May gig si Alex mamaya, open mic, sama ka?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: