Walang Kapalit, Episode 83

by

Sumulat si Melanie sa batang nakasaksi sa pagkakamatay ni Ronald. Sinabi nitong apat na taon na siyang nagtitiis, pero alam niyang sa puso niya alam niyang wala siyang kasalanan. Siya raw ang ilaw sa dulo, nakikiusap ito na sabihin na niya ang totoo para makalaya na siya sa mga takot na umaalipin sa kanya.

Tumawag si Cynthia kay Brian. Nagtatampo si Brian dahil apat na taon na silang nawawala, akala daw niya nilamon na sila ng lupa. Sinabi ni Cynthia na uuwi sila sa Pilipinas, ipaayos na raw niya ang bahay nina Cynthia.

Habang naglilinis ang mga trabahador ni Brian, nakakita ang isa sa kanila ng blanket mula sa Bureau of Corrections.

Ibinalita nina Miguel at Vanessa na magpapakasal na sila. Tuwang tuwa sina Ceding at Moody pero naisip ni Moody na paano nila pagsasamahin sa simbahan ang mga pamilya ng dalawa ng hindi dumadanak ang dugo. Para daw kay Ceding, ang tanging maibibigay daw nila ay tanging basbas nila.

Ipinakit ni Brian kay Diane ang nakita niyang kumot. Nagdududa na si Brian kung saan nakuha ni Cynthia ang anak nila.

Dumating na sina Victor at Cynthia, malaki na si Ernest, ang “anak” nila.

Binisita nina Vanessa at Miguel si Melanie. Binigyan niya ang mga ito ng words of wisdom. Sinabi ni Vanessa na nahihiya na siya kay Melanie dahil kuya naman talaga niya ang may kasalanan nito pero si Melanie ang nagdurusa. Hindi pa rin naman daw siya tumitigil na sabihin sa mommy niya na magsabi na ng totoo para makalaya na siya.

Ayaw payagan ni Cynthia na ilabas si Ernest baka raw maculture shock ito. Tinanong ni Victor si Cynthia kung masaya na siya at nakauwi na sila sa Pilipinas.

Nagpasalamat si Arnold kay Vanessa dahil daw siya pa ang sumusuporta sa kanila, instead na sila ang mag-alaga sa kanya. Sinabi na niya sa daddy niya na ikakasal na sila ni Miguel. Pagkatapos nito ay sinabi na nila kay Elaine, at huwag na raw itong tumutol pa sabi ni Arnold dahil matanda na raw sila. Hindi naman daw siya kokontra, itinanong nito kung alam na ni Melanie. Sinabi naman ni Vanessa na hindi naman nagtatanim ng galit si Melanie. Mukha namang medyo nakonsensiya si Elaine.

Nalulungkot si Melanie dahil birthday ng anak niya.

Nakita ni Ceding sina Cynthia, Victor, at ang anak nilang si Ernest. Nabigla si Ceding noong nakita niya ang bata. Nakita ni Brian si Ceding, binati naman si ni Cynthia. Join us daw, ayaw naman ni Ceding. Umalis na ito, matapos niyang maconfirm na anak ni Cynthia ang bata.

Pagdating ni Noel, na nagsindi ng kandila para sa anak nila ni Melanie, sinabi ni Ceding na nakita niya si Cynthia. Hindi na alam ni Noel na nasa Pilipinas na sina Cynthia, sinabi ni Ceding na nagulat siya dahil kahawig na kahawig nila ni Melanie ang bata. Hindi raw kaya totoo ang kutob ni Melanie na buhay ang anak nila at kinuha lang ni Cynthia ang bata.

Nagsadya si Noel sa bahay nina Cynthia at Victor, nakita niyang naglalaro sa hardin ang bata. Nakita siya ni Victor na nakatayo si Noel sa harapan ng bahay nila, nagkamay sila at ipinakita niya ang “anak” niya. Pinapasok ni Victor si Noel, at hindi maialis ni Noel ang tingin niya sa bata. DUmating si Cynthia at nakita niya si Noel.

Sinabi niya, “my son” at pinaakyat na ni Cynthia sina Victor at Ernest. Nakakapagtaka naman daw na magkabirthday ang anak nila at anak nila ni Melanie. Inemphasize ni Cynthia na “patay” na ang anak nila.

Kung wala na raw itong sasabihin, makikipaglaro pa raw siya sa anak niya. Umalis na si Noel at mukha namang natakot din si Cynthia…

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 83”

  1. ajsy Says:

    May teaser na sa finale ng Walang Kapalit:
    1. Ang paglantad sa batang ngayong teenager na testigo na matapos na ang kasong pagpatay kay Ronald.
    2. Ang pagbuking na anak ni Melanie ang inampon/dinukot ni Cynthia dahil sa kumot ng correctional. Baka magsingunalin ulit si Cynthia.
    3. At ang isang cliff hanger na tanong: “Sino ang mahuhulog sa mataas na gusali? Si Cynthia, Si Ernest or silang dalawa o wala sa kanila?” dahil may iniligtas si Noel sa taong ito.

    So Tama na sa mga pagdududa, in fact ilang eksena ay kathang-isip lamanhg ito pero maidulot parin ang aral/values sa totoong buhay natin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: