Natutulog ba Ang Diyos? Episode 22

by

Tinawagan ni minerva si Rose at tinatanong kung natanggap na niya ang picture ni Mike revealing his secrets. Hindi niya lam naririnig ni Andrew ang pinag-usapan nila. Tinawagan ni Rose si Mike para paaminin kung may affair ito (Wala silang caller ID?). Siempre hindi naman siya aamin.

Tinulungan ni Mark si Gillian na maglinis sa kanila. Dumating si Emma at pinagalitan si Mark dahil mukha na RIN daw itong busabos. Sinigaw-sigawan pa niya si Mark sa harap nila, hindi raw ba ito nahiya kay Trish? Ikinumpara ni Boy si Emma kay Patria, sosyal nga lang daw si Emma pero pareho lang sila ng turing sa mga anak. Kung ganoon daw ang magiging biyenan niya, kawawa siya. Obvious naman daw na may gusto sa kanya si Mark.

Tinanong ni Gillian si Andrew kung bakit niya tinetext si Karla. Ayaw sabihin ni Andrew kung bakit, bakit daw silang dalawa ni Mark marami ring sikreto. Nalaman din ni Andrew na umuwi na si Karla sa kanila dahil ipinasara ng daddy niya ang club nito. Tinext ni Karla si Andrew at sinabing magkita sila.

Pinuntahan ni Minerva si Mike sa opisina nito. Ipinakita nito ang dala niyang picture. Hindi siya natakot, sinabi niyang tapos na ang sa kanila ni Patria. Bakit daw niya pinatira si Patria sa kanila? P5 M ang hinihingi ni Minerva kapalit ng katahimikan niya.

Nag-inquire sa private investigator si Rose. Pero hindi na niya tinuloy ang plano niyang pag-acquire ng services nito.

Umuwi na si Patria. Humingi ng paumanhin si Patria kay Rose (and pati na raw kay Mike)

Sinabi ni Karla kay Andrew na may alam na sikreto ang nanay niya at guguluhin nito ang pamilya niya. Inilabas ni Andrew ang kopya ng picture nina Mike at Patria at ipinakita kay Karla. Hindi raw alam ni Karla kung iyon nga iyon. Matagal na rin lang daw ang picture na iyon. Sinabi ni Andrew na kung alam ng mommy niya na may nakaraan sila ni Patria, hindi niya papatirahin sina Patria sa kanila.

Sinabi ni Mike kay Bernardo na alam na niya ang lahat lahat at pasalamat daw sila kay Gillian at nakiusap ito sa kanya or else magsasama-sama sila sa kulungan nina Minerva at Patria. Malinis daw ang kunsensiya ni Mike at alam ito ni Bernardo, pamilya na raw daw ang turing nito sa kanila, patigilin raw nia si Minerva sa panggugulo sa kanila. Nilusob ni Bernardo si Minerva pero hindi niya ito hinarap.

Susubuan sana ni Gillian ang nahihirapang kumain na si Patria, pero tinabig nito ang plato niya at sinabing hindi siya invalid. Natatawa naman si Tina sa nangyari.

Napansin ni Gillian na may problema si ROse. ANg sabi ni Rose masyado daw kasi siyang pinrotektahan, kaya kapag may problema siya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Pinalakas naman ni Gillian ang loob nito.

Walang pagod pa ring inaasikaso ni Gillian si Patria. Round the clock ang pag-aasikaso nito sa kanya.

Hindi naman makatulog si Mike, sinabi niya sa natutulog na si Rose na walang makakasira sa kanilang dalawa at alam daw ng Diyos kung gaano niya ito kamahal.

Nag-volunteer na samahan ni Mike si Rose, pero tumanggi si Rose. Kailangan lang daw niya ng pahinga. Bakit daw ang samang makatingin ni Andrew at bakit daw hindi siya kumikibo. Nainis na si Andrew, at sinabi nitong nobody’s perfect. Siya raw ba walang nagawang kasalanan…?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: