Margarita, Episode 13

by

Kinwentuhan ni Duday ang lalakeng galing sa Philippine Embassy na nagkukunwaring customer hanggang sa nakaalis na ito hindi pa rin nasabi ni Margarita ang problema nila. Pinapaamin siya ni Duday, pero wala naman siyang sinabi.

Nagrerecruit ng mga members para sa isang marketing scheme.

Proud na proud si Carding sa anak dahil ito ang champion sa katatapos na shooting contest. Kinumusta ni Carding si Margarita, sabi ni Rodrigo busy lang daw ito kaya hindi nakakatawag. Tinatanong ni Carding kung pagbalik ni Margarita magpapakasal na sila para naman daw magkaapo na siya. Sinabi ni Rodrigo na break na sila bago pa man umalis si Margarita, pero siya pa rin ang nagsisilbing inspirasyon niya.

Pinapakain ni Didith sina Robbie at Gabby dahil gutom na gutom ang mga ito. Dalawang linggong mawawala si Didith dahil pupunta siya sa Cebu, mag-iiwan na lang daw siya ng pera para may pambili ng pagkain ang magkapatid (dahil nila-lock ni Magda ang lalagyan nila ng pagkain). Tumanggi naman si Robbie dahil ma pera naman daw na iniwan si Margarit for emergency use.

Habang sinasabi niya iyon, nasa kwarto na nila si Magda at hinahalungkat ang perang itinatago nila.

May nag-table si Margarita, natatakot siya, pero empleyado din pala ito ng Philippine Embassy sa Japan. Pagbalik daw nito ilalabas na niya ito, makakauwi na siya sa Pilipinas.

Nalaman ng mga amiga ni Magda na pyramid scam pala ang marketing scheme na pinromote niya dito. Pinagsasabunot siya ng mga kaibigan niya.

Hinahanap ni Robbie ang pera nila. Suspetsa ni Robbie, si Magda ang kumuha. Nagkasagutan sila ni Magda. Bakit daw siya ang sinisi nila, ang ate daw nila nagpapakasasa lang sa Japan at nanlalalaki lang doon. Samantalang siya raw ang nag-aalaga sa kanila. Tinawag niyang pokpok, hostess, at Japayuki ang ate nila. Sinuntok siya ni Robbie, nawalan ng malay si Magda. Tumakbong papalabas sina Robbie at Gabby.

Ipinakulong ni Magda si Robbie. Nagmamakaawa naman si Gabby na iurong na ni Magda ang demanda at lahat daw ay gagawin niya. Pag-iisipan daw ni Magda, pero for now daw maglaba muna si Gabby.

Pumunta si Gabby sa bahay ni Didith pero wala naman ito. Nagpunta siya kina Carding, pero wala rin ito.

Sa pagtataka nina Duday at ng mga hapon, ganado sa pagsasayaw si Margarita. It turned out, mag-re-raid pala ang Philippines Embassy sa club. Nagmamakaawa si Duday sa kanya, pinilit lang daw siya ni Mr. Morigami kaya niya nagawa sa kanya ang mga ginawa niya kay Margarita. Sinampal siya ni Margarita.

Nakausap ni Margarita si Magda sa phone. Ang sabi niya nasa galaan pa ang mga kapatid niya. Nagtaka si Margarita bakit connected ang phone nila, nagsinungaling na naman si Magda at sinabing kakapa-connect lang niya. Magpapadala raw si Margarita ng pera, pero uuwi na rin ito sa Pilipinas…

Umuwi na ng Pilipinas sina Jessica at Gelly. Lumitaw na pala si Deither, tinawag siyang “Tito” ni Gelly. (Sa tingin niyo, si Deither ba iyong kasama ni Jessica sa kotse noong nakawin niya si Gelly kay Adora?)  

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: