Ysabella, Episode 37

by

Paglabas niya ng mansiyon, sinalubong siya ni Lima at sinabi nito na sinabi na sa kanya ni Phuket ang pinag-usapan nina Victoria at Andrew. Hindi naman daw niya kailangang gawin iyon dahil alam naman niya kung paano mabuhay sa bahay na iyon. Was he willing to experience daw again para lang mapatawad siya ni Ysay? Noon daw hindi niya naiintindihan kung bakit hindi siya umalis, pero ngayon naiintindihan na niya.

Habang nasa kwarto si Victoria, nagrereminisce siya:

Noong teenager pa si Andrew at sweet pa silang mag-ina, may girlfriend ito na Kim ang pangalan.

Naglalasing ito dahil nalaman niyang binayaran ni Victoria si Kim para lumayo sa kanya.

Noong nakulong si Andrew dahil sa drugs, umiiyak na tinanong ni Victoria kung ano ba ang gusto niya? Kalayaan daw niya ang gusto niya.

Umiiyak na kinakausap niya ang picture ni Andrew, bata pa raw ito, ito na ang sakitin, ang laging mahina. Pero alam daw niyang ito ang kagaya niya. Gagawin daw niya ang lahat para dito dahil mahal na mahal niya si Andrew.

Nagchachat sina Jordan at Lima. Gumawa ito ng animation about him and ang pag-alis ni Lima. Hihintayin daw niyang bumalik si Lima.

Naghahanda ng isang elaborate dinner party si Victoria para sa pagdating ni Andrew.

Pinuntahan ni Andrew sina Ysay para ibalik sa kanila ang titulo ng lupa pero galit pa rin sina Ysay kay Andrew. Kahit anong pakiusap nito ayaw nilang pakinggan ito. Hindi daw nila makakalimutan na anak siya ni Victoria. Yada…yada…yada…(sorry hindi ko masyadong pinapanood kapag masyado ng dramatic).

Pag-alis ni Andrew nagyakap sina Trining, Alex, at Ysay.

Namimili naman ng isusuot si Victoria. Kinausap niya ang picture ni Ontario, at sinabing hindi daw niya ito binigo makukumpleto na raw ulit ang pamilya nila, magiging masaya na raw ulit ang pamilya nila. Niyakap niya ang picture nito at pasayaw-sayaw pa siya while humming a tune.

Umiiyak pa rin si Trining. *drama na naman to*

Night of the dinner. Alas-9 na ng gabi pero wala pa si Andrew, nagugutom na ang mga bisita, pero hindi daw siya mag-se-serve ng dinner hangga’t wala doon si Andrew. Ayaw pumasok ni Andrew dahil may bisita daw pala siya, sinabi ni Victoria na para daw sa kanya ang party na iyon at kung ayaw niya pwede naman niyang paalisin ang mga ito. Pinaalala ni Victoria ang deal nilang dalawa. Pumasok na rin si Andrew, niyakap pa nga siya ni Victoria.

Masayang ipinakilala ni Victoria sa stage si Andrew. Nahihiya namang nagpasalamat si Andrew. Masya pa rin si Victoria.

Nalaman ni Mito na itutuloy ang show ni Ysay.

Kinumusta ni Lima si Andrew. Okay naman daw ito. Sabi ni Lima na baka panahon lang ang kailangan nila. Umiiyak na sinabi ni Andrew na wala raw kasi si Lima doon at hindi niya nakita ang galit nina Ysay. Siguro daw ito na ang kapalit ng pagiging masama niyang anak, ang pagtalikod niya sa pamilya niya noon. Hindi nila alam nakamasid si Victoria.

Nabigla si Ysay noong sinabi sa kanya na hindi na matutuloy ang show. Si Victoria ang major sponsor ng show at milyones daw ang naipasok nito sa kumpanya at ayaw niya kay Ysay, pinapaalis niya ito. Nanlulumong naglalakad si Ysay sa lobby ng studio, nakasalubong niya si Mito sa elevator.

Nagsorry si Mito sa kanya. Saan daw sorry, dahil iniwan niya ito sa ere, dahil pinagbibintangan niyang nanlalaki siya, noong iniwan niya ito noong kailangang-kailangan niya ito? Gusto lang daw sana niyang tumulong. Huwag na raw siyang mag-aksaya ng panahon, alam naman daw nitong wala siyang kwenta sa kanya. Di bale raw kasi bale-wala na rin si Mito sa kanya. Hindi na raw niya ito kailangan.

Umalis si Mito.

Napaupo na lang si Ysay sa kinatatayuan niya at umiyak ng umiyak…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: